Janessa POVPumayag naman si Madam Tiburcia na mag-day off ako bukas, iyon nga lang ay may kapalit. Need kong magpagabi ngayon dahil may gagawin dito sa parlor. At dahil nga kakabagong ayos, pintura at kaka-anti anay lang ng parlor, idi-display na ulit namin ang mga pangkulay, hair treatment, pang-rebond, at kung ano-ano pang product na madalas gamitin dito sa beauty parlor.“Oh, paano, maiwan ko na kayo, Severina, Elara at Janessa. Ayusin ninyo munang lahat ‘yan bago umuwi,” bilin ni Madam Tiburcia.“Yes po, madam,” sabay-sabay naming sagot.Paglabas ni madam, doon ko na narinig ang reklamo ng dalawa kong kasama. “Ito pa naman ang ayaw ko,” sabi ni Severina. “Napakarami pa naman nitong pangkulay, aabutin talaga tayo ng siyam-siyam sa pag-aayos nito,” dagdag pa niya.“Kaya nga, pero bilisan na lang natin para maaga tayong makauwi,” sabi ni Elara.“Tiwala lang, matatapos din tayo ka agad,” sabi ko naman sa kanila para lumakas ang loob nila.“Naku, Janessa, ayusin mo ang work mo. Kahapo
Last Updated : 2026-04-15 Read more