Janessa POVAlas kuwarto ng umaga ay nakagayak na kaming lahat. Wala nang natulog, nagkuwentuhan na lang sa garden ang lahat hanggang sa mag-umaga.“Oh, nandyan na rin sila,” sabi ni Rico.Dumating na ang jeep ni Kuya Larie, sakay-sakay na rin sina Amayah at Mikyla.“Tara na, guys, tatanghaliin tayo nito,” aya ko sa kanila.Marami ng tao sa kalsada kapag ganitong oras. May nagwawalis na sa harap ng bahay, may naglalako na ng pandesal sa kalsada at may mga tricycle na rin na nakapila. Hindi na rin masama kung iiwan si Tita Merbella sa bahay kahit mag-isa dahil tiyak na tulog na ang mga grapist sa mga oras na ito.“Good morning,” bati ni Amayah nung isa-isa na kaming pumasok sa loob ng jeep. Sabay-sabay naman kaming sumagot sa kaniya, lalo na ang mga lalaking kasama.Isa-isa na kaming sumakay nila Rico, Caleb, Kuya Anastacio, Kuya Marcelo, Kuya Donato at Uncle River dito sa loob ng jeep.Sa laki ng jeep, aba, maluwag pa. Nakaupo kami ng maayos dito sa mga mahahabang upuan.“Janessa, gus
Last Updated : 2026-04-16 Read more