เข้าสู่ระบบMga tulog pa ang mga cousin, kaya nakapagsulat ako. Oh, ayan ah, nasesegway ko pa ring makapagsulat kahit nasa bakasyon. Ganiyan kayo kamahal ni Author. Huwag na rin kayong magtaka kapag isa lang o bitin, nasa bakasyon ngani. Siyempre, tao rin si Author, gaya ninyo, may mga bakasyon at day off din. Basta, ingat kayo kung nasaan man kayo ngayon. Enjoy din sa mga nasa bakasyon na. God bless you all.
Rainn POV“Sandali,” sabi ko. “Puwede ko ba kayong makilala nang maayos? Para naman makilala ko na rin ang mga pangalan ninyo.”Agad namang tumango ang mga ito. “Of course, Sir.”Isa-isa silang pumuwesto sa harapan ko. Ang unang lalaki ang lumapit. Matangkad siya, malapad ang balikat at tila sa kanilang lima ay ito ang pinaka-seryoso. Tinanggal niya ang suot na maskara at bahagyang yumuko. Ito ang unang tumayo, so siya ang parang leader ng lima.“Jett po, Sir Rainn.”Tumango ako.“Jett. Nice to meet you.”“Likewise, Sir.”Sumunod ang pangalawa. Mas matipuno ang pangangatawan nito at mas matalim kung tumingin. Tinanggal din niya ang maskara niya.“Wolfe po, Sir.”“Wolfe?” ulit ko.“Yes, Sir.” Singkit ito at ‘yung mata niya, parang wolf nga. Guwapings ah, parang ayoko itong iharap kay Jalina kapag nakita na namin siya. Feeling ko ay maagawan ako ng isang ito.Napangiti ako. “Hindi ko alam kung pangalan mo talaga iyan o codename.”“Mas gusto ko pong tawagin ninyo akong Wolfe.”“Okay. Wo
Rainn POVNasa loob ako ng banyo at kasalukuyang naghihilamos ng mukha nang makarinig ako ng mga malalakas na kalabog sa harapan ng hacienda.Napahinto tuloy ako at napatitig sa harap ng salamin para pakinggang mabuti ang naririnig ko.Mabilis ko ring pinatay ang gripo para mas mapakinggang mabuti kung ano iyon. May narinig akong tila napasigaw na parang nasaktan, kasunod ang isa pang malakas na pagbagsak na para bang may malaking bagay na tumama sa sahig.Agad akong napatingin sa pintuan ng banyo. Hindi kaya may nangyari sa tatlong tauhan ni Hera na nagbabantay sa akin?Natuwa agad ako nung maisip kong baka nandito na sila.Mabilis kong pinunasan ang mukha ko gamit ang tuwalya, saka dali-daling lumabas ng banyo.“Hoy! Anong nangyayari riyan?” malakas kong sigaw habang naglalakad patungo sa sala.Walang sumagot kaya mas lalo akong nagmadali. Pagdating ko sa may pintuan ng bahay, agad akong natigilan sa nakita ko. Nakahandusay na kasi sa labas ng pintuan ang tatlong malalaking tauhan n
Aira POVTandang-tanda ko pa. Siya mismo ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kami ni Rantino. Hindi ko kailanman nakalimutan ang mga ginawa niya, lalo na ang araw na ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.“Dahil sa iyo,” sagot ko sa wakas.Natawa siya. “Ako nga, pero matagal na iyon. Huwag ka nang maging bitter diyan, okay?”Napailing ako. “Matagal na nga kaya bakit pa ako magpapa-apekto. Ang saya-saya ko na sa buhay ko ngayon. Nakita ko na ang mga tunay kong pamilya. Na-meet ko na ang totoo kong kapatid. May malaki kaming lupain, mas mayaman pala ako sa inaakala ko,” sabi ko sa kaniya para kahit pa paano ay hindi niya isiping loser pa rin ako.“Talaga, so hindi ka anak ni Madam Hera?” tanong pa niya.“Hindi, anak ako ng mas madam na si Madam Hira. Mas malaking lupain ang mayroon siya. Mas maraming pera at higit na mas maganda kaysa sa bruhang si Hera,” proud kong sagot sa kaniya. “Isa pa, maganda rin ang kapatid kong si Jalina. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon kaganda
Aira POVAlas dos na ng madaling-araw nang makarating ako sa harap ng isang sikat na bar dito sa city.Inaantok na ako at dapat sa mga oras na ito ay sleeping beauty na ako, pero dahil may malaking mission ako, kailangan kong gawin ito.Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon sapat para mawala ang inis na matagal ko nang kinikimkim. Yes, need ko ng ibang tao na ipapalit kay Jalina. Siyempre, bakit ko naman gagawin kay Jalina ang inuutos ni Mama Hera, hindi ako tanga para ipahamak ang kapatid ko.Ilang oras na rin akong naghihintay sa loob ng sasakyan ni Mama Hera na hiniram ko rin, nakamasid ako sa mga taong pumapasok at lumalabas sa bar.Hindi ako narito para uminom. May hinihintay akong babae.Si Cianne, ang putang-inang babaeng may malaking kasalanan sa akin. Ang babaeng minsang nagpakitang-gilas sa harap ng maraming tao habang ako ang ginagawa niyang katatawanan. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang sirain ang pangalan ko dahil lamang sa inggit.At higit sa lahat, siya a
Jalina POV“Totoo po ba talaga iyon?” tanong ko na agad para malaman ko ang dahilan.Umiling si Sir Nico. “Hindi. Walang ganoong pustahan, Jalina.” Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy. “Sinadya kong iparinig iyon kay Rainn. Alam kong may posibilidad na makarating sa iyo ang usapan at magtaka ka kung bakit kami interesado sa iyo. Pero ang totoo, gusto lang naming magkaroon ng dahilan para mapalapit sa iyo at matulungan ka sa mga need mo.”“Bakit po?”“Dahil nang malaman naming anak ka pala ni Hira, gumawa talaga agad kami ng paraan para matulungan ka.”Natahimik ako.“Matagal na naming kaibigan ang nanay mo. Nang malaman naming may anak siya at ikaw iyon, para bang bumalik sa amin ang isang taong matagal na naming hinahanap. Kaya nung malaman naming ganoon ang trato ni Hera sa iyo, desidido kaming tulungan ka. Ang bedroom mo, nilagyan talaga namin ng mga gamit para marami kang mapag-abalahan doon. Cellphone, damit at kung ano-ano pa na need mo, ibinigay namin para ma-enjoy mo nam
Jalina POVMaaga pa lang ay gising na ako. Nasa malawak na dining area kami ng beach resort. Katapat ko ang Nanay Hira ko habang nasa magkabilang panig naman namin sina Sir Nico, Sir Enzo, at Sir Lucas.Napakaraming pagkaing nakahain sa lamesa. May crispy bacon, sausage, fried rice, scrambled eggs, pancakes na may maple syrup, sariwang prutas, tinapay, at iba’t ibang klase ng juice. Mayroon ding mainit na sopas at mga pagkaing hindi ko pa natitikman.Halatang pinaghandaan nila ang almusal namin.“Anak, kumuha ka pa nito,” nakangiting sabi ni Nanay Hira habang inilalagay sa plato ko ang isang piraso ng pancake.“Nay, ang dami ko na pong kinakain.”“Hayaan mo na. Ilang taon din akong hindi nakapaghanda ng almusal para sa iyo.”Napangiti ako at hinayaan siyang dagdagan pa ang laman ng plato ko. Masayang-masaya akong makita siyang ganoon. Hindi na siya mukhang pagod o balisa. Maayos na maayos na rin ang kaniyang pananamit, maaliwalas ang mukha, at higit sa lahat, may ngiti na ulit sa kani
River POVNakapasok na ako sa bakery ngayong umaga. Sabi ni Merbella ay kaya naman niyang mag-isa sa bahay kahit wala kami ni Janessa. Ang bilin ko sa kaniya, kapag nagkaroon ng problema o kailanganin niya ako ay tumawag lang siya sa cellphone ko.“Ano bang nangyari at ilang araw kang hindi nakapas
Janessa POVPagod na pagod si Tita Merbella pag-uwi nila ni Uncle River dito sa bahay. Ni umakyat sa itaas ng bahay namin ay hindi na nito nagawa. Kaya ang ginawa namin ni Uncle River, binigyan namin siya ng higaan sa may sala. Doon na namin ito pinahiga kasi maging si Tita Merbella ay ayaw na raw
Janessa POVPagkakain ni Uncle River ng tanghalian, naligo at gumayak na siya kasi kailangan niyang sundan si Tita Merbella sa ospital. Manghihina raw kasi iyon sa oras na ma-chemo na ito.Hindi pala pumasok ngayong araw si Uncle River sa trabaho dahil gusto niyang suportahan ang asawa niya sa unan
Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H







