MasukChapter Two
Hingal na pumasok si Louissa sa kanyang kotse. Kanina ay marami pang sinabi ang lalaki sa kanya—kesyo kung ayaw daw niyang magpaangkin dito ay liligawan na lang daw siya nito para tuluyan na nitong masabing pag-aari siya, kesyo gustong-gusto siya nito, na ang ganda-ganda at sexy niya, at na na-love at first meet ito sa kaniya. Hindi niya alam ang irereact, kaya mabilis na lang siyang tumakbo. Sigurado na talaga siyang hindi siya kilala ng lalaki. Siguro nalaman lang nito ang pangalan niya dahil sinabi niya kagabi, o dahil isa rin itong bilyonaryo—halos lahat ay posible para sa lalaki. Inayos niya na lang ang sarili. Buti na lang ay may extra siyang undergarments at mga damit sa kotse. Naghahanda siya in case something unexpected happens—at mayroon nga. Hindi muna umuwi si Louissa sa bahay nilang mag-asawa. Nasasaktan pa rin siya, at galit siya kay Miguel pati na rin sa matalik niyang kaibigang si Leandra. Baka maabutan niya pa ang dalawa na magkasama sa bahay nila. Feeling at home pa naman ang babae. Pumunta siya sa isang restaurant. Doon na siya nag-breakfast at nag-rewind ng isip. Hindi niya alam ang gagawin, pero alam ni Louissa sa sarili na hindi niya kayang hayaan na gano'n-gano'n na lang ang pagtataksil ng dalawang taong naging sobrang malapit sa buhay niya. Masakit, pero kung iko-confront niya ang dalawa, mababago ba no’n ang pagtataksil sa kanya? Mahal niya si Miguel, sa totoo lang, pero bilang isang babae, alam niya ang worth niya. Naging faithful siya, naging mabuting ina at asawa. Lagi niya pa itong ipinagdarasal, sinasama sa kaniyang panalangin. Pero ngayon, ipinagdarasal na lang niya na karmahin ito—kahit alam niyang mali at bawal sa mata ng Diyos. Pero ang ginawa rin nitong pagtataksil sa kaniya ay mali at bawal din. Napapatanong na lang talaga siya sa sarili kung bakit nito nagawa ang gano'ng klase ng bagay. Napatingin siya sa phone niya nang tumawag ang asawa niya. Hinayaan niya lang itong mag-ring at hindi sinagot. Pagkalipas ng ilang sandali, napagdesisyunan ni Louissa na bumalik na sa bahay nilang mag-asawa. Pinagbuksan siya ng guard ng gate. Nagtaka siya nang makakita ng Rolls-Royce na kotse sa kanilang garahe. Sa pagkakaalam niya ay bilyon ang halaga nito. Imposibleng sa asawa niya iyon—at mas lalong hindi sa ahas niyang kaibigan. Milyonaryo ang asawa niya, pero hindi ito nag-i-invest sa ganitong kamahal na kotse. At siya? Isa lang naman siyang dukha na umangat sa buhay dahil nakapangasawa ng mayaman na lalaki. Bumaba siya sa kotse at pumasok sa loob ng mansiyon. Napatingin siya sa asawa niyang may kausap na lalaki. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kaniya, pero kitang-kita niya ang malapad nitong balikat. Nakasuot ito ng itim na tuxedo, at pamilyar ang hubog at aura nito. Bahagyang napatigil si Louissa. Hindi kaya si Maximillian ito? Sa isip-isip niya. Napansin siya ng asawa. Nag-aalala siya nitong tiningnan at nilapitan. "Mahal, nandito ka na. Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?" tanong nito. Hindi man lang siya tinanong kung bakit wala siya kagabi. "Naka-silent mode ang phone ko," mahinang sagot ni Louissa. Ngumiti lang si Miguel at dinala siya sa sala kung saan nakaupo ang lalaki. Hindi pa rin ito lumilingon sa direksiyon niya. Kinakabahan siya, pero nang makita ang maaliwalas at parang walang guilt na mukha ng asawa ay nawala ang kaba niya—napalitan iyon ng sakit at galit. "By the way, mahal, meet my uncle," iminuwestra ni Miguel ang lalaki. "He's Uncle Maximillian from my mother's side. Sikat 'to, so perhaps you already know him?" Napatingin si Louissa sa lalaking prenteng nakaupo. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya maiwasang mapalunok. Tumango siya sa asawa. "Oo," parang nawala siya sa mood, lalo na't parang hindi man lang ito nagluksa sa kakalibing lang ng anak nila. "This is my wife, Tito—Louissa." Tumayo si Maximillian at inabot ang kamay kay Louissa, titig na titig sa kaniya. Tinanggap ni Louissa ang kamay nito at tipid na ngumiti. Hindi siya nagsalita. "I'm sorry, my wife's not in the mood right now, Tito. Kakalibing lang din kasi ng anak namin," ani ni Miguel nang mapansin ang pananahimik ng asawa. Napatingin si Maximillian kay Louissa. "I'm sorry for your loss." Tumitig ito kay Miguel. "You should have told me. Belated condolences to both of you." "You were outside the country, Tito. And don’t mind that—nangyari na. Ano pa ba ang magagawa namin?" Mas lalong nanikip ang dibdib ni Louissa nang marinig ang sagot ng asawa. Don’t mind that? That? Ano ang akala nito sa anak nila? Isang bagay lang? Isang pangyayari na hindi na dapat isipin pa dahil nangyari na? Pinigilan ni Louissa ang mapaluha. Nanginginig ang mga kamay niya sa pagkamuhi at sakit. Napatingin siya sa phone ng asawa sa ibabaw ng mesa nang tumunog ito. May tumatawag. 'L' ang nakalagay na caller name. Kung dati ay naniniwala siyang business partner lang ito ng asawa dahil iyon ang laging rason nito, ngayon ay hindi na. Alam niya kung sino iyon—walang iba kundi ang ahas niyang kaibigan. Agad na kinuha ni Miguel ang phone. "I just need to answer this call," ani nito at naglakad palayo. Mapakla siyang napangiti. Harap-harapan talaga siyang niloloko. Buo na ang desisyon niya—hindi niya hahayaang ang asawa lang niya ang nagpapakasaya. Naiwan silang dalawa ni Maximillian. Nakatitig lang ang lalaki sa kaniya. Tumitig siya pabalik, at may nabuong ideya sa isip niya. "Are you okay?" bigla nitong tanong kay Louissa. Hindi ito sinagot ng babae. "'Yong nangyari sa atin..." panimula ni Louissa "Nagustuhan mo ba?"Chapter Seven Naninikip ang dibdib ni Louissa na nakatitig sa braso ng asawa na nakapulupot sa bewang ni Leandra. Agad binawi ni Miguel ang braso. "S-sinamahan ko lang si Leandra!" agad nitong palusot at lumapit kay Louissa at pinulupot ang kamay sa beywang nito. Nakatitig si Louissa sa kabit ng asawa, hindi din nagpatalo si Leandra at matapang siyang tinitigan. Tipid na ngumiti si Leandra at hinawakan ang mamahalin nitong kwentas na alam ni Louissa na galing sa asawa niya. "Nagpasama lang ako, Louissa,"Napansin ni Louissa ang hickey nito sa leeg. Kahit kailan talaga ay tapang pa rin ang pinapairal nito kahit bisto na. "Talaga?" Walang emosyong ani ni Louissa. Lumingon siya sa asawa. "Bakit mo sinamahan?"Kinabahan si Miguel. "Why are you here, mahal?" Tanong nito, nakahanap ng balik na itatanong sa kanya—sinusubukang baliktarin ang sitwasyon. Pinigilan ni Louissa ang sarili na sampalin ang dalawa. "May sinamahan lang din ako," walang emosyon nitong sagot. Nagtaka ang asawa ni
Dinampian ni Maximillian ng halik ang noo nang natutulog na si Louissa habang nakatuko ang siko nito. Unang kita niya pa lamang sa babae ay tumibok na ng malakas ang puso niya, totoo ngang nagkagusto siya dito sa unang tingin pa lamang, at no'ng una, akala niya ay infatuation lang ito, pero habang tumatagal ay mas lalo siyang nahuhumaling sa babae, at alam niyang lalalim pa ito ng lalalim—handa siyang tanggapin iyon. Inayos niya ang nagulong buhok ni Louissa na natatakpan na ang mukha nito at dinampian ulit ito ng halik sa labi. "You're only mine, Louissa..." Nang-aangking bulong ng lalaki. "And even Miguel can't take you away from me. That b*st*rd doesn't deserve an angel like you. He doesn't deserve every part of you." "I can give you whatever you need, and I'll give you anything you want." Unti-unting pumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa babaeng nagugustuhan. "Just please... stay with me... forever." Bumaba ito ng kama at kinuha ang phone sa bed side table. May tinaw
Chapter FiveMalalim na napabuntong-hininga si Louissa at tiningnan si maximillian—nakatitig lang sa kaniya ang lalaki, seryoso ang ekspresiyon nito.Akmang lalapit ang lalaki sa kaniya. Tinaas niya ang kamay para pigilan ito. "'Wag, nandito ang byenan ko."Tumigil si Maximillian at ibinalik ang kamay sa bulsa, seryoso itong nakatingin sa kanya. "Does she hate you?" tukoy nito kay Valentina.Mapait na napangiti si Louissa at tumango. "Oo..."Mas sumeryoso ang mukha ng lalaki. "Why?"Nagkibit-balikat si Louissa. "Dahil mukha akong pera? O dahil mahirap ako?" Napabuntong-hininga siya. "Ewan, basta parehong kasama sa reason. Ayaw niya naman sa'kin para sa anak niya, at sa totoo lang? Ayaw ko rin naman sa kanya. Maybe we're in the same boat?"Lumamlam ang tingin ng lalaki. "I hate that you've dealt with her for over a years."Napangiti si Louissa sa sinabi ng lalaki. "Natiis ko naman, at saka baka magdiwang na siya sa susunod dahil balak ko na ring i-divorce ang anak niya."Napangiti si M
Chapter Four Lumipas ang mga araw, at sa labas ay tila normal ang lahat. Naglalakad si Louissa sa bahay na may ngiti, ngunit sa loob ng puso niya ay nagliliyab ang galit, pait, at lihim na pagnanasa. Tuwing nakikita niya ang asawa, ang bawat halakhak, yakap, o pagtingin nito ay nagdudulot ng matinding kirot sa dibdib niya. Kirot na kailangan niyang ilabas—hindi sa harap ng iba, kundi sa sarili niyang paraan.Madalas na ring dumadalaw si Maximillian sa kanilang mansiyon. Ang rason nito ay dahil daw peaceful at tahimik sa bahay nila Louissa, kahit ang totoo ay si Louissa lang naman talaga ang sadya nito. At minsan nang may nangyari sa kanila sa loob mismo ng bahay na kanilang kinatatayuan.Isang hapon, dumalaw na naman si Maximillian sa bahay nila Louissa.Habang nag-aayos ng mga gamit sa sala, lumapit si Maximillian. Casual ang dating niya, hawak ang baso ng tubig, ngunit may halong pang-aakit sa bawat galaw."You're busy?" tanong nito, hawak-hawak ang baso ng tubig, at tumayo malapit
Chapter ThreeTahimik ang sala ng tuluyang makaalis si Miguel para sagutin ang tawag.Hindi agad gumalaw si Louissa. Nakaupo lang siya, nararamdaman ang presensya at mariing titig ni Maximillian sa harap niya—mabigat, parang sinasadyang manatili para sa kaniya. Pinagmasdan siya nito, hinahanap kung nagbibiro siya o seryoso.Tipid na napangiti si Maximillian. "You're really asking me that?"Hindi sumagot si Louissa. Alam niya ang sagot nito, pero gusto pa rin niyang marinig mula sa bibig ng lalaki para mas makasiguro.Maximillian chuckled. "From what I did and said to you last night and earlier... you're still asking me that?"Hindi alam ni Louissa kung bakit ito pumunta dito, pero may hunch siya na baka dahil sa kaniya. Pero hindi siya pwedeng mag-assume lang."So... nagustuhan mo?" mahina at mahinhin niyang tanong.Tinitigan siya ni Maximillian—lust and admiration was visible in his eyes. "I love it. So d*mn much, Louissa."Hindi nakasagot si Louissa, at bahagyang nag-init ang mukha
Chapter TwoHingal na pumasok si Louissa sa kanyang kotse. Kanina ay marami pang sinabi ang lalaki sa kanya—kesyo kung ayaw daw niyang magpaangkin dito ay liligawan na lang daw siya nito para tuluyan na nitong masabing pag-aari siya, kesyo gustong-gusto siya nito, na ang ganda-ganda at sexy niya, at na na-love at first meet ito sa kaniya. Hindi niya alam ang irereact, kaya mabilis na lang siyang tumakbo. Sigurado na talaga siyang hindi siya kilala ng lalaki. Siguro nalaman lang nito ang pangalan niya dahil sinabi niya kagabi, o dahil isa rin itong bilyonaryo—halos lahat ay posible para sa lalaki.Inayos niya na lang ang sarili. Buti na lang ay may extra siyang undergarments at mga damit sa kotse. Naghahanda siya in case something unexpected happens—at mayroon nga.Hindi muna umuwi si Louissa sa bahay nilang mag-asawa. Nasasaktan pa rin siya, at galit siya kay Miguel pati na rin sa matalik niyang kaibigang si Leandra. Baka maabutan niya pa ang dalawa na magkasama sa bahay nila. Feelin







