Napatitig ako sa kanya. Naalala ko nga na noong college kami, pangarap kong subukan ang scuba diving pero palagi akong inaatake ng takot. Hindi ko akalain na matapos ang maraming taon, tinandaan niya pa rin ang pangarap kong iyon at ngayon ay ginawan niya ng paraan para matupad sa pinakaligtas na paraan."At para sa huling bahagi ng hapon, bago lumubog ang araw," sabi niya sabay kindat sa akin, "maliligo naman tayo sa private pool ng villa natin. Doon, pwede mo nang isuot 'yung swimsuit na pinag-agawan natin kahapn sa maleta mo. Doon, walang ibang makakatingin sa iyo, walang istorbo. Pwede tayong mag-relax lang, mag-usap tungkol sa kahit ano, habang pinapanood ang pagpapalit ng kulay ng langit. Maganda rin ang view ng sunset doon dahil sa magandang posisyon ng pool.. Maganda ang yari ng pool nila dito.. pasilangan diretso sa kanluran, kagaya ng Pilipinas."Habang pinakikinggan ko ang bawat detalye ng kanyang mga plano, naramdaman ko ang isang kakaibang uri ng init na gumagapang sa aki
閱讀更多