Mabilis na lumipas ang mga oras, ngunit sa loob ng aking opisina, bawat minuto ay parang isang taon. Hindi nga umalis si Ephraim. Nanatili siyang nakabantay sa akin na parang isang personal na guwardiya, pero sa mas nakakairitang paraan. Tuwing may papasok na empleyado, ngingitian niya ito nang matamis, ngunit kapag tumunog ang telepono ko, mabilis niyang titingnan ang screen bago ito iabot sa akin sabay sabing, "O, sagutin mo na, baka tagahanga mo na naman."Nasasakal ako sa presensya niya, pero may bahagi sa akin na nagpapasalamat dahil alam kong may nagbabantay sa akin.Alas-singko na ng hapon. Inayos ko na ang aking mga gamit at isinuot ang aking bag."Tara na, Attorney," nakangiting sabi ni Ephraim habang pinalasik ang susi ng kanyang kotse sa kanyang daliri. "Huwag kang hihiwalay sa akin pagbaba natin. Libre ang holding hands kung natatakot ka."Hindi ko na siya pinatulan. Sumakay kami sa elevator pababa ng basement kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Pagkabukas na pagkab
Magbasa pa