LOGINNilingon ko ang rearview mirror. Katahimikan na ang naghahari sa likod ng sasakyan, maliban sa mahina at tila nahihirapang paghinga ni Gia. Sa tindi ng pagod, takot, at lamig mula sa basang damit, tuluyan nang nakatulog ang babae sa sahig ng aking sasakyan. Nakakubli pa rin ang kanyang katawan sa kadiliman, tila isang ligaw na pusa na sumuko na sa laban matapos ang mahabang pagtakbo.Ilang checkpoint pa ang aming dinaanan habang tinatahak ang kahabaan ng highway patungong Maynila. Sa bawat hinto, ganoon pa rin ang eksena—mga tauhan ni Anthony na kasabwat ang ilang lokal na awtoridad, nag-aabang ng babaeng may suot na pulang damit. At sa bawat pagkakataon, sapat na ang marinig nila ang aking pangalan at makita ang aking ID upang mabilis na magsitabi at mag-alis ng mga harang sa daan. Walang sinuman sa kanila ang nangahas na mag-usisa sa loob ng kotse ko.Subalit habang papalapit kami sa siyudad, napagtanto ko ang isang malaking problema. Hindi ko siya pwedeng ibaba lang sa kung saang
Isang sarkastikong ngisi ang sumilay sa aking mga labi. Bahagya kong inayos ang aking upo at mas lalong naging malamig ang aking boses. Mga b*bo talaga ang mga bayarang pulis, kapag nasa mababang uri lamang ng mga taong gumagawa ng ilegal.. Hindi na nag iisip ng mabuti. Nakakatawa ang pamilya De Vera, halatang puro utangan lang ang alam, subalit hindi inalam ang tungkol sa batas."Ganyan na ba ang kalakaran ngayon?" tanong ko, diretsong nakatingin sa pulis at sa mga tauhan ni Anthony sa kanyang likod. "Dapat, kapag may hinahanap kayong tao sa isang checkpoint, may opisyal na kasulatan kayong hawak kung bakit siya hinahanap. Wanted ba iyon? Kriminal? May warrant of arrest ba na inissue ang korte laban sa kanya?"Natigilan ang pulis. Nagkatinginan ang mga tauhan ni Anthony sa likod niya."Hindi ninyo pwedeng gamitin ang kapangyarihan ng batas at ang resources ng gobyerno sa ganitong uri ng kalokohan at personal na interes," patuloy ko, bawat salita ay parang latigo na tumatama sa kanila
POV: Crisostomo RicaforteP*tang ina talaga. Wala na yatang mas ititindi pa ang kamalasan ng araw na ito.Napakalaki ng inis na nararamdaman ko habang pilit kong ibinabalik ang aking buong atensyon sa manibela. Hindi ko matanggap na sa dinami-rami ng pwedeng maging saksi sa mga pinagsasabi ko kanina, ang isang estranghera pa—at mas malala, ang sikat na aktres na si Gia—ang nakarinig sa mga personal kong rants. Gusto kong saksakin ang sarili ko sa bawat salitang binitiwan ko habang nagmamaneho. Bakit ba kasi napakadaldal ko ngayon? Bakit kailangan kong isigaw ang galit ko sa babaeng nanloko sa akin sa harap ng isang taong nagtatago lang pala sa likod ng upuan ko?Mas nananaig sa akin ang matinding inis sa sarili ko dahil sa kadaldalan kong iyon kaysa sa galit ko sa babaeng nakisakay sa akin nang walang paalam. Nabawasan ang pagiging misteryoso ko. Nawala ang kontrol na nakasanayan ko. Para sa isang taong tulad ko na nagpapatakbo ng mga kumplikadong sistema sa dilim, ang ganoong kawala
Nakahawak ako sa aking noo na bahagyang namumula dahil sa pagkaumpog. Tumingin ako sa kanya, nanginginig ang aking mga labi hindi lang sa lamig kundi sa takot na baka ibalik niya ako kay Anthony.Ang kanyang masamang tingin ay nagdudulot ng kilabot sa akin."P-Pakiusap..." nauutal kong pagsusumamo, itinataas ang aking dalawang kamay na tila sumusuko. "Huwag ninyo akong isumbong... huwag ninyo akong ibalik sa kanila. Pasensiya na kayo.. pasensiya na.."Nangunot nang husto ang noo ni Mr. Ricaforte. Tinitigan niya ang aking mukha nang ilang segundo, pilit na inaanalisa ang aking anyo sa ilalim ng magulong buhok at bahagyang buradong makeup. Nang tuluyang rumihestro sa kanyang utak ang aking mukha, bahagyang rumihestro ang gulat sa kanyang mga mata, subalit mabilis din itong napalitan ng kanyang nakasanayang malamig at mayabang na awra."Gia? Ang sikat na artista?" singhal niya, may halong sarkasmo sa kanyang boses habang inilalapit ang kanyang mukha sa pagitan ng mga upuan. "Kaya pala na
Nakahinga ako nang malalim. Sa wakas, unti-unti nang lumalayo ang sasakyang pinagtataguan ko mula sa impiyernong restaurant na iyon. Habang nararamdaman ko ang swabeng pag-usad ng gulong sa sementadong daan pababa ng Tagaytay, parang may kung anong mabigat na bato ang naalis sa aking dibdib. Malaya na ako. Sa wakas, hindi ko na kailangang tiisin ang nakasusukang pagpapakasal sa impaktong ad*k na iyon.Subalit hindi pa tapos ang aking kalbaryo. Narito pa rin ako, nakasiksik at nakatupi ang katawan sa pinakamababang bahagi ng sahig sa likod ng driver’s seat. Basang-basa ang aking kasuotan, malamig, at nadidikit ang aking balat sa maputik kong mga paa. Maamoy at madilim sa ilalim, ngunit pilit kong pinipigil ang aking paghinga upang hindi makagawa ng kahit anong ingay.Habang nasa biyahe, sa gitna ng bagsak ng ulan sa bubong ng sasakyan, ay walang tigil ang lalaking nagmamaneho sa pagsasalita mag-isa. Bakas sa kanyang boses ang isang matindi at nagngangalit na galit."Put*ng ina," marii
Subalit sa labas, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Ang hanging sumasampal sa veranda ay naging marahas, at ang langit ay tuluyan nang binalot ng makakapal at nagbabadyang itim na ulap. Kasabay ng hagupit ng bagyo ay ang sunod-sunod at matatalim na kidlat na tila ba nagmumula mismo sa kaibuturan ng Bulkang Taal.Ngunit sa gitna ng aming palitan ng mga malalambing na salita—habang si Anthony ay akmang hahalik sa aking palad at ako naman ay handa nang magpakawala ng aking susunod na hakbang—isang biglaang pangyayari ang yumanig sa buong kapaligiran.CRACK-BOOM!Isang napakatindi at matalim na kidlat ang gumuhit sa himpapawid, diretsong tumama sa malapit na linya ng kuryente sa labas. Ang tunog niyon ay napakalapit, nakabibingi, at yumanig maging sa sementadong sahig na aming kinatatayuan.Zzzzt!Kasabay ng pagputok ng kidlat ay ang biglaang pagkaputol ng lahat ng supply ng kuryente sa loob ng restaurant. Dahil sa tindi ng kadiliman ng langit sa labas, instant na lumubog sa kompleton
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus
“AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa







