"ANTHONY, ANAK, HUWAG! IBABA MO 'YAN!" histerikal na hiyaw ni Dina, na tuluyan nang napaluhod sa sahig habang pilit na inaabot ang mga paa ng kanyang anak."Huwag mong kakalabitin yan, Anthony! Mag-usap tayo!" sigaw naman ni Ronnie, na unti-unting humahakbang papalapit, nakataas ang dalawang kamay, sinusubukang bawiin ang kontrol sa kanyang sariling armas."Gia! Sumagot ka na! Sabihin mo nang oo! Alang-alang sa buhay natin, sumagot ka!" malakas na hiyaw ni Mommy sa likod ko, habang marahas niyang inaalog ang aking balikat. Ang sarili kong ina, sa halip na protektahan ako, ay mas piniling itulak ako sa bangin para lang isalba ang sarili nilang mga buhay mula sa trahedya.Nagkamali ang lahat ng kalkulasyon. Nag-iyakan, nagsigawan, at nagkagulo ang buong salas. Ang ingay ng pamilya De Vera at ng aking mga magulang ay humalo sa tunog ng umiiyak na si Anthony. Ang bawat isa ay natataranta, walang may alam kung anong gagawin.Tumingin ako nang diretso kay Anthony. Ang kanyang daliri ay na
Read more