Habang kumakain kami sa malawak na veranda na nakadungaw sa kulay berdeng halaman ng malaking hardin, hindi ko maiwasang mapatingin sa anyo ng lalaking kaharap ko. Kung tutuusin, kung hindi pa niya sinabi kanina, hindi ko maiisip na kuwarenta anyos na siya. Mukha pa rin siyang nasa late thirties—macho, matipuno, at may class ang bawat kilos.May maganda siyang kulay ng balat—kayumangging kaligatan na hiyang sa araw, hindi maitim at hindi rin naman kaputian. May matalas siyang panga, matangos na ilong, at makipot ngunit manipis na mga labi. Sa anggulo ng kanyang mukha at sa paraan ng pagdala niya sa kanyang sarili, mas naiisip ko sa kanya ang sikat na football player na si Cristiano Ronaldo kaysa sa isang nakakatakot na pinuno sa underground world.Mayumi at maingat siyang kumain—isang katangiang likas sa mga taong lumaki sa karangyaan, may matataas na pinag-aralan, at may tunay na class. Kakaibang-kakaiba siya sa lalaking narinig kong galit na galit at nagmumura sa loob ng kanyang
Read more