"Matagal ko na po sanang gustong sabihin sa inyo ito, Attorney," pahayag ng matanda, habang dahan-dahang pinapatakbo ang SUV. "Nong mga panahon po na kayo pa ni Miss Aila... napakarami ko pong nakikita at nalalaman tungkol sa kanya na hindi niyo alam. Ilang beses ko po siyang naihatid sa kung saan-saan kapag wala kayo sa mansyon o kapag busy kayo sa korte. May mga pagkakataon po na nagpapahatid siya sa mga bar at hotel, at doon... nakikita ko po siyang may kasamang ibang lalaki."Natahimik ako. Hindi ako nagulat sa katotohanan, ngunit ang marinig ito mula sa aking matapat na driver ay nagdulot ng panibagong pait sa aking lalamunan."Ang lalaking 'yon... si Benny," patuloy ni Mang Arturo. "Ilang beses ko pong nakitang sumasakay 'yon sa kotse kapag malayo na tayo sa opisina niyo. Nagpapapabili si Miss Aila ng mga mamahaling gamit gamit ang credit card niyo, tapos ibinibigay niya sa lalaking 'yon. Nakikita ko po sa rear view mirror kung paano sila maglambingan sa backseat... habang ka
Read more