"Hindi ako ikinasal kay Anthony De Vera," diretso at walang pag-aalinlangan kong sagot. "Sa katunayan, hindi na rin ako nakatira sa tahanan ng aking pamilya. Bumukod na ako. Mahirap man, pero nasa tamang edad na ako. Diyos ko, dalawampu't walong taong gulang na ako—hindi na dapat ipinagpipilitan ng aking mga magulang ang mga desisyong hindi ko naman gustong pasukin."Narinig ko ang bahagyang pagsinghap ng ilang staff sa gilid ng camera."Totoo ba, Gia," pagpapatuloy ng host, mas lalong naging seryoso ang boses, "na nilaspag at inubos ng sarili mong mga magulang ang lahat ng naipundar mo sa pag-aartista? Balitang-balita kasi sa showbiz na wala nang natira sa iyong mga ari-arian dahil sa malalaking utang nila sa casino."Napahinto ako ng ilang segundo. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng aking mga daliri, ngunit agad kong inalala ang mga itinuro sa akin ni Crisostomo: maging maingat sa bawat salitang bibitawan."Ayaw ko munang pag-usapan ang mga masyadong personal na bagay," malu
Read more