Hindi ako pwedeng maupo na lamang dito at maghintay sa mabagal na galaw ng aking mga tauhan. Umakyat ang dugo sa aking ulo, at ang matinding galit na nag-aalab sa aking dibdib ay nagtulak sa akin upang kumilos nang mabilis. Kinuha ko ang aking mamahaling leather jacket, isinaksak ang dalawang baril sa aking baywang, at kasama ang apat sa aking pinakamalalaking tauhan, nagtungo kami sa kinaroroonan ng kaisa-isang taong nakakaalam ng mga lihim na transaksyon sa dilim—si Black Mask.Ang kaniyang kuta ay nakatago sa isang malayo at liblib na lugar, kung saan, nakgalat ang mga illegal na gawain. Ngayong araw, mukhang meron siyang illegal na boxing. Punong puno ang parking ng lugar na iyon.Naroon ang hinahanap ko, nakaupo sa kaniyang swivel chair, nakasuot ng kaniyang itim na maskara na nagtatago sa kaniyang buong mukha at nagpapakapal ng kaniyang boses. Binibilang niya ang mga bundle ng perang ibinigay ko sa kaniya noong nakaraan, kung sa akin nga ba talaga nanggaling iyon. "Napakainit n
Read more