Hindi pa man nakakalipas ang isang oras matapos tumawag si Crisostomo, narinig na namin ang mahinang katok sa pinto ng silid kasunod ng pagbukas nito. Nagmamadali akong nagsuot ng malambot na silk robe habang si Crisostomo naman ay nagsuot din ng kaniyang pambahay na kasuotan bago pinapasok ang bisita sa loob.Ang pumasok sa silid ay isang magandang babae na may bitbit na medical bag. Sa aking tantya, nasa apatnapung taong gulang na rin marahil ang kaniyang edad, ngunit napakalinis at napaka-alagang tingnan ng kaniyang balat at kaanyuan. Matangkad siya, may pormal ngunit eleganteng tindig, at may mga matang tila sanay na sa matataas na lipunan.Isang napakalawak at napakatamis na ngiti ang lumabas sa kaniyang mga labi sa sandaling makita niya si Crisostomo. Diretso siyang naglakad patungo sa kabilang bahagi ng kama, tila hindi man lang napansin ang aking presensya sa gilid."Crisostomo, my dear," pambungad ng babae, ang boses ay napakalambing at puno ng pambihirang lambing habang na
Read more