Sino nga ba ang mag-aakala? Lumuwas ako ng Manila noon upang takasan ang masakit at magulong nakaraan ng aking buhay. Hindi ko naman inasahan na rito ko pala bubuuin ang pamilyang matagal na ipinagkait sa akin ng tadhana.Napakabilis lumipas ng mga araw at panahon. Parang kailan lang nung masaya naming ipinagdiriwang ang unang kaarawan ni Niko, hanggang sa matuto siyang maglakad, tumakbo, at magsalita nang malinaw.May mga naging desisyon ako sa buhay na pinagsisihan ko kalaunan. Ngunit habang pinagmamasdan ko ang aking anak na masiglang nakikipaghabulan kina Menggay at Anding sa gitna ng malawak na hardin, alam kong siya ang tanging bunga na kahit ilang beses kong balikan sa aking isip ay kailanman hindi ko pagsisisihan. Lahat ng alinlangan, takot, at pait sa aking dibdib ay biglang nabubura sa tuwing nakikita ko ang kaniyang mga ngiti.Sapat na sa akin ang buhay na mayroon ako rito. Hindi man ito perpekto, at malabo man na makasundo ko pa ang dalawang matatandang babaeng Salazar, sa
Read more