LOGINMagmula nang mangyari ang malaking kaguluhan noong kaarawan at binyag ni Niko, mas lalong naging mailap at malamig sa akin si Glenda.Ramdam ko ang kaniyang tahimik ngunit nag-aapoy na panggigigil—na ang kaniyang simpleng titig lang ay tila binabalot na ako ng libo-libong masasakit na salita.Kinausap din ako ni Rage kinaumagahan. Sinadya niyang ipatawag ako habang nasa opisina at nagtatrabaho si Gale.Nakakatakot ang matinding pananahimik ng matanda. Papasok pa lang ako sa kaniyang malawak na silid ay nagtaasan na agad ang balahibo ko dahil sa labis na pangamba."Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, hija..." malamig na sambit niya, direktang nakatitig sa aking mga mata mula sa kaniyang swivel chair. "Hindi ko nagustuhan ang kaguluhang nangyari kagabi sa resort."Namutawi ang isang mabigat at nakakabinging katahimikan sa loob ng kaniyang silid. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa matinding kahihiyang lumalamon sa akin."S-Sorry po..." mahinang usal ko habang nakayuko at hindi magaw
Halos matumba ako sa lakas ng pagkakasampal ni Glenda sa aking pisngi. Umikot ang paningin ko at naramdaman ko ang matinding pamamanhid na agad na sumunod sa nag-aapoy na sakit sa aking balat.Pulang-pula ang kaniyang mukha at nanlilisik ang mga matang idinuduro ang aking dibdib."Ang kapal talaga ng mukha mo! Tama ang hinala ko eh... noon pa lang, mukha ka nang pera!" nanginginig sa galit at diring-diring sambit niya.Nanghihina akong napapaatras sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin gamit ang dulo ng kaniyang daliri. Mariin kong iniinda ang bakas ng kaniyang palad na halos nagpatulala sa aking pagkatao.Tuluyan na naming nakuha ang buong atensyon ng mga bisita sa resort. Pinalibutan kami ng napakaraming taong nakasuot ng mamahaling damit, at halos madurog at mapunit sa matinding kahihiyan ang aking pagkatao nang magsimula silang magpakawala ng masasakit at mapanghusgang salita."They may look alike... but Samantha was way more decent than her.""Kawawang Gale... baka nga ginayuma la
Lahat ay abala para sa nalalapit na unang kaarawan at binyag ng aming anak na si Niko. Gaya ng inaasahan sa pamilya Salazar, pinaghandaan nila ang araw na ito nang napakaengrande—isang pagtitipon na magpapakita sa buong mlipunan kung sino sila.Subalit sa kabila ng liwanag at kasuotan, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding kaba habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa malaking salamin.Noong ikinasal kami ni Gale, tanging ang kaniyang pamilya lang ang naroon at ang mangilan-ngilang kasambahay na naging malapit sa akin. Siyempre, hindi mawawala doon si Aling Juliet na siyang naging tulay upang makapasok ako sa mansyon bilang kasambahay, pati na rin sina Menggay at Anding na naging totoong kaibigan ko sa lugar na ito.Napalunok ako habang itinataas ang aking paningin. Para akong bumalik sa aking pagkadalaga habang pinapasadahan ng tingin ang mamahaling white slanted-shoulder dress na nakalapat sa aking katawan.Nang maisuot ko ang mamahaling tela, mas umangat pa lalo ang gan
Hindi kailanman naging madali ang mag-alaga ng isang sanggol—lalo na sa kalagayan namin ni Gale na kapwa bago at kapos sa karanasan sa pagiging magulang.Kahit pa sabihin naming pinaghandaan namin ang lahat at pilit naming pinag-aralan ang bawat galaw noong mga panahong nasa loob pa ng ospital ang bata, iba pa rin pala kapag nasa totoong buhay ka na. Iba ang takot kapag hawak mo na ang buhay na kailanman ay hindi nagbibigay ng anumang babala bago umiyak.Unang gabi pa lang namin sa mansyon, hindi na agad kami pinatulog ni Niko nang mahimbing.Sa gitna ng napakalalim na gabi, biglang umalingawngaw ang matinis at nagmamakaawang iyak ng aming anak na halos magpayanig sa tahimik at malamig na silid.Agad akong napabangon mula sa aming kama at may matinding pag-iingat na kinarga si Niko mula sa kaniyang crib.Nang sulyapan ko si Gale, nakita ko siyang pupungas-pungas na naupo sa gilid ng kama. Lumingon siya sa aming dalawa dala ang mapupula at puyat na mga mata dahil sa matinding antok.Bi
"Masaya akong kasama na natin siyang uuwi," nakangiting bulong ni Gale habang may matinding pag-iingat na pinagmamasdan ang aming anak na payapang nakahiga sa aking mga bisig.Napangiti ako nang marahan.Ako man ay abot-langit ang tuwang nararamdaman. Sa wakas, pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa gitna ng malamig na silid ng ospital, makakasama na namin si Niko sa bahay.Napatunayan niyang napakalakas niyang bata dahil nalagpasan niya ang pinakaunang pagsubok sa kaniyang buhay—iyon ay ang lumaban para mabuhay at patuloy na lumakas sa kabila ng kaniyang maagang paglabas.Nakahanda na ang lahat ng aming mga gamit na nakalapag sa gilid ng kama. Kasama rin namin sina Anding at Menggay—ang dalawang kasambahay na dating nakasama ko sa gawaing-bahay —na ngayon ay kinuha ni Gale bilang mga personal na tagapangalaga at alalay ni Niko."Wait here, aasikasuhin ko lang ang bill sa billing section..." malambing na wika ni Gale bago yumuko at marahang iginawad ang isang mainit na halik sa akin
Malawak at puno ng galak ang mga ngiti namin ni Gale habang nakatayo sa harap ng malaking salamin ng NICU. Nakatitig kami sa aming anak na payapang nakahiga sa loob ng kaniyang incubator.Habang sabik naming hinihintay ang araw na mas lumakas at tuluyang lumusog ang aming sanggol, walang pagod naming inaral ni Gale ang lahat ng dapat matutuhan—mula sa tamang paghawak sa kaniyang napakaliit na katawan, sa pagpapaligo, hanggang sa mabilis at maingat na pagpapalit ng kaniyang diaper."Anak... mas lalo kang gumagwapo araw-araw," malambing na usal ko habang marahang inililigay ang aming anak sa aking mga bisig.Araw-araw kaming bumibisita sa ospital, at masasabi kong sa bawat pagsikat at paglubog ng araw ay may magandang pagbabago sa kalusugan ng aming anak. Mabuti na lamang at pinayagan na kami ng doktor na malayang hawakan at kargahin ang bata. Wala na rin ang mga nakatatakot na tubong nakakabit sa kaniyang maliit na katawan, at nakakahinga na siya nang kusa nang hindi na nangangailangan
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit
I never expect na mapapagod din pala ako sa kanya, na susukuan ko rin pala siya sa huli. “Thank you Mike.” Saad ko sa kaibigan. “Are you really sure about this?” May lungkot sa mga mata niya. “Yes, sure na ako!” Nakangiting sagot ko. Tumango siya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang sadya ko ay
“I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak







