Pinihit ko ang doorknob at naramdaman ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Pero bago pa ako makahakbang palayo, narinig ko ang mabilis at mabigat niyang yabag. Naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa aking braso—hindi mahigpit, kundi tila nanghihina at nanginginig."Sandali," ang tanging lumabas sa kanyang bibig.Lumingon ako nang bahagya. Ang kanyang kaliwang mata ay bahagya ng nakadilat, nangingilid ang luha sa gitna ng namamagang balat na kulay ube. Bahagyang bumuka ang kanyang mga labi, tila may salitang pilit na kumakawala sa kanyang lalamunan—isang pag-amin, isang pagsisisi, o marahil ay isang huling kasinungalingan.Tinitigan ko ang kanyang mukha, naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin, ang kaisa-isang matang maidilat ay puno ng takot na hindi ko alam kung saan nagmumula, habang ang kamao niyang nakakuyom ay dahan-dahang bumubukas."Kasi..." panimula niya, pero muli siyang napatigil, tila kapos sa hininga.Hindi ko na h
Zuletzt aktualisiert : 2026-04-19 Mehr lesen