Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ako, may mas higit pa pala sa akin. Araw-araw nakikipag kompetensya ako sa anino niya. Noong wala siya, hangin kung ituring ako ni Gale, nilalagpasan lang. Never kaming nagtalik magmula ng kinasal kami, nabuo lang naman si Niko Gale, ang anak namin, dahil napagkamalan niya akong ang ex niya. Marami ang nagsabi na kamukha ko nga daw si Samantha. Mas matangkad lang ako sa kanya at mas morena, maputi kasi si Samantha, iyon ang sabi nila. Ngayong nandito na siya, mas nawalan ako ng puwang sa kanya. “Jonas told me, Rey came to his party with Samantha.” Napatingin ako kay Glenda Salazar, ang manugang ko. Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya at doon ay nakita ko ang picture ng magaling k
Última atualização : 2026-04-08 Ler mais