Ito na siguro ang gabing makakatulog ako nang payapa. Dahil sa wakas, nararamdaman ko na ang unti-unting paglambot ni Gale sa akin.Hinaplos ko ang aking tiyan habang nakaupo sa malambot na kama."Salamat, anak, dahil sa iyo..." marahang pagkausap ko sa kaniya. "Unti-unti ko nang nakikita ang kabutihan ng iyong ama."Marahan akong ngumiti.Hindi na kasingsama noon ang ugali ni Gale. Pero siyempre, alam kong hindi pa rin niya lubos na matatanggap na ako ang babaeng kaniyang naasawa.At kahit ilang buwan na kaming nakatira sa iisang bubong bilang mag-asawa, nanatili pa rin kaming natutulog sa magkaibang silid—dahil na rin sa kagustuhan niya. Sa sobrang sama ng kaniyang loob sa akin, kahit ang katabihin ako sa iisang kama ay tila hindi niya maatim.Bakit naman kasi sa bilyun-bilyong katao sa mundo, ako pa ang naging kamukha ng dati niyang kasintahan?Nahiga na ako sa malaking kama. Sa sobrang lawak niyon, ramdam ko agad ang gapang ng lamig ng gabi. Balak ko sanang matulog nang maaga suba
Read more