Samantala, pagkahatid ni Rozen kay Lianne sa Pristine Corporation, nag-drive na rin siya patungo sa Montemayor Corporation, ang sarili niyang kumpanya.Pagkarating sa office, tinawagan niya ang assistant na si William.“Pinatawag n’yo po ako, President?”“I want you to investigate this person.” Ibinigay ni Rozen ang kan’yang tablet para ipakita kay William ang itsura ni Roderick. “Sabihin mo sa akin lahat ng bagay tungkol sa kan’ya, hanggang sa pinakamaliit na detalye.”Kinuha naman kaagad ni William ang tablet at sinulyapan kung sino ang pinapaimbestigahan ng amo niya. Kumunot ang kan’yang noo dahil akala niya noong una, empleyado ito.“Hindi siya nagtatrabaho sa kumpanya natin, President…” wika niya sa mahinang boses. “Bakit n’yo siya gustong imbestigahan?”‘Matanda, mataba, at pangit…’ isip ni William habang pinag-aaralan ang mukha ni Roderick. ‘Ano ang mayroon sa taong ito at nakuha niya ang interes ni President?’Nanlaki ang mga mata niya nang makaisip ng posibleng dahilan.‘Hind
Read more