Huli na ang lahat nang mapag-isipan ni Rozen ang kan’yang ginawa, dahil na-send na niya kay Lianne ang mensahe.“Tangina,” napamura na lang ang lalaki dahil sa katangahang ginawa. “Dapat, hindi na lang ako nag-chat sa kan’ya.”Bibitiwan na sana ni Rozen ang kan’yang phone, pero natigilan siya nang makita ang reply ng dalaga.[Kailan ka babalik?]Noong una ay hindi pa mapaniwalaan ng lalaki na iyon talaga ang chat ni Lianne, kaya binasa niya ‘yon ulit.Hindi nawawala ang mensahe, kaya ibig sabihin ay totoo ang nababasa niya, at hindi isang panaginip.‘Nami-miss mo na ba ako, Lianne?’ isip ng binata bago mas lumawak ang kan’yang pagngiti. Nawala na ang lungkot na nararamdaman niya sa loob ng ilang araw.Parang mapupunit na nga ang kan’yang labi dahil sa pagngiti nang magtipa siya ng reply. Sa wakas, nag-initiate rin ang dalaga na mag-open up sa feelings nito.[Do you miss me?]Bahagyang gumalaw
Baca selengkapnya