“Lintik ka talaga, Rozen!” sigaw ni Lianne, at tila sasabog na siya sa inis ngayon. Paulit-ulit kasi niyang hinila si Rozen para umalis na ito sa kama niya. Madalas ay sumusunod ang lalaki, pero maya maya rin ay hihiga na naman ito.Na para bang pinaglalaruan ng lalaki ang lahat ng effort niya. Ang resulta, sobrang pikon na ngayon ni Lianne.Nagsisimula nang manubig ang kan’yang mga mata, pero ginagawa niya ang lahat para pigilan iyon.“Ano ba, Rozen! Hindi na talaga ako natutuwa sa ‘yo, ah!” sighal ng dalaga, at rinig iyon sa buong kuwarto.“Sshh… Baka magising mo ang mga kapitbahay mo,” sagot naman ng binata.Doon ay tuluyan na niyang idinilat ang mga mata at tiningnan si Lianne. Mukha itong galit na rabbit. Imbes na maawa, tila mas lalo lang niyang gustong inisin ang dalaga.‘Kahit naiinis na siya, sobrang cute niya pa ring tingnan,’ isip ng binata. ‘This should be unfair. Bakit kasi ipinanganak siya na ganito kaganda?’Nakatitig lang siya kay Lianne habang kung anu-ano na naman an
Read more