“A-Ahm—”“Nakita ko ‘to online, eh. ‘Yong bagong release ng YSL doon sa floral dresses nila,” wika ulit ng babae, ni hindi pinatapos si Lianne sa pagsasalita. “At sa pagkakatanda ko… nasa fifty to sixty thousand ito…”Sikat na brand ang YSL sa iba’t-ibang bansa, pati na rin sa Pilipinas.Mahilig kasi sa fashion ang isa nilang katrabaho, pero hindi alam ni Lianne na maging ang suot nito ay mare-recognize nito.‘Hah. Iniwasan ko na ngang ma-issue, pero mukhang doon na naman ito papunta…’ isip ni Lianne habang tinitingnan ang reaksyon ng mga katrabaho.Nanlaki kasi ang mga mata nito sa gulat, at napasinghap pa ang iba nang marinig kung magkano ang dress ni Lianne.Lahat sila ay ordinaryong empleyado lang. Mas malaki man ang sweldo nila kaysa minimum wage, pero hindi ibig sabihin no’n na kaya nilang bumili ng ganoon kamahal na damit.Saka sa tagal nilang nakasama si Lianne, ang pinakamahal na damit nito ay nasa isang libo lang. Iyon ay kapag may extra siya para bumili ng luho.‘50k to 60k
Read more