Nanlaki ang mata ng mga kasama ni Yanna. “Hala, talaga ba?!”“Yes!” Tumango ang babae. “‘Yon ang sabi sa akin ng mga kakilala kong nagtatrabaho rin doon. Ganoon daw kalaki ang puwedeng kitain sa bar na ‘yon.”“Saka take it from me! Wala pang isang linggo noong magtrabaho ako roon, and kumita na ako ng five thousand sa tips pa lang!” dagdag niya pa. “Kapag nag-stay ako nang matagal at kumilala ng mayayamang customers, easy lang kumita ng libo-libong pera roon, for sure.”“Nakakatakam ‘yan, ah… Pero, hindi ba at delikado sa bars? Kung hindi mayayaman, mga barumbado ang nandoon, eh.”“High-class na bar iyon!” pangangatuwiran naman ni Yanna. “Saka, anong delikado? If ayaw mo sa mga trip nila, mapipilit ka ba nila? And isa pa, maganda sa bar na iyon. Hindi nila pipilitin ang mga empleyado nila na gumawa ng bagay na ayaw nila.”“Uy wow, gusto ko ‘yan! Hiring ba kayo? I-refer mo naman ako!”“Ako rin, ako rin!”“Hiring sila, yes,” sagot ni Yanna bago hinimas ang baba niya. “Pero may requireme
Last Updated : 2026-05-02 Read more