Gusto man i-deny ni Rozen pero nasaktan siya nang isipin ang mga bagay na iyon. Bigla na lang siyang hindi mapakali. Ganoon pa man, sinunod niya pa rin ang dalaga.Ipinarada niya ang kotse sa gilid, malapit sa apartment ni Lianne.“Bumaba ka na.” Malamig ang tono ng kan’yang boses.Binuksan na ni Lianne ang pinto at tinanggal ang seatbelt, pero bago siya tuluyang lumabas ay humarap muna siya ulit kay Rozen.“Uh… Thank you sa panlilibre mo sa akin ng dinner ngayong gabi,” wika naman ni Lianne sa mahinang boses. “‘Yong coat mo pala, nalabhan ko na ulit at pinatutuyo ko na. Ibabalik ko na lang sa’yo kapag natuyo niya.”“Pero kung gusto mo na kunin—”“Saka mo na lang ibigay sa akin kapag tuyo na,” saad ni Rozen bago pa man matapos ni Lianne ang sasabihin.“Oh…” Nabigla siya sa pagputol ni Rozen sa kan’yang sasabihin, pero tumango pa rin ang dalaga. “O-Okay…”“Aalis na ako.”“Ay, sorry…”Lumabas na si Lianne ng kotse. Naglakad na siya papunta sa apartment nang hindi lumilingon pabalik.Nak
Read more