Nag-aalangan pa si Lianne noong una, pero sumunod din siya kay Brandon. Umupo na siya sa tabi nito.Noong ginawa niya iyon, naramdaman niyang may nakatingin sa kan’ya. Masyadong intense ang tingin na iyon kaya hindi niya basta-basta mapagsawalang bahala.Isang lalaki lang ang may ganoong klase ng epekto sa kan’ya, dahilan kung bakit mas lalo siyang nakaramdam ng pagkabahala.Ayaw niya na sana talagang ma-involve pa nang husto kay Rozen. Pero tila pinagti-trip-an siya ng tadhana dahil kung kailan pinipilit niyang umiwas, doon sila mas lalong nagkikita.Noong una, sa restaurant. Ngayon, sa bar naman.Habang mas sinusubukan niyang tumakas, mas lalo niyang hindi magawa iyon.Pagkaupo ni Lianne sa tabi ni Brandon, namangha ang lalaki sa kakaibang halimuyak ng dalaga. Hindi matapang ngunit hindi rin naman kulang.Saktong-sakto lang, at tila kahit umagahin siya sa pag-amoy rito, hindi siya magsasawa.“Wow. Nice scent,” pagpuri ni Brandon. Kita ang pagkamangha sa mga mata nito. “What’s your
Last Updated : 2026-05-09 Read more