Nag-aalangan pa si Lianne kung lalapit siya, nang bigla siyang tinawag ni Charlotte.“Come here, Lianne. Come over and sit down with me!”Tinapik pa nito ang upuan sa tabi niya. Iyon ‘yong bakanteng space sa pagitan nila ni Rozen.Dumako ang tingin ni Lianne sa lalaki, at doon niya napansing nakatitig din pala ito sa kan’ya. Malalim ang tingin nito na para bang pinag-aaralan ang ekspresiyon niya.Napalunok ang dalaga bago umiwas ng tingin. Namula rin ang kan’yang pisngi.“Ah, hindi na…” Umiling siya at pilit na ngumiti. “Okay na ako tumayo rito sa gilid…”“No, Lianne. Don’t be like that… You don’t need to be so polite with me.” Ngumiti rin si Charlotte at hinawakan ang kamay ng dalaga. “And I don’t like people standing in front of me when we talk. Come, sit down.”Nag-aalangan pa si Lianne noong umpisa, pero matapos ang ilang segundo ay umupo na rin siya sa gitna ni Charlotte at Rozen, na hindi inaalis ang tingin sa kan’ya.Nang umupo siya, sinadya niyang iiwas ang katawan para hindi
Baca selengkapnya