Naglakad si Yanna papalapit kay Rozen.“Hi, Rozen,” wika niya sa malambing na tono, na para bang nang-aakit. “Puwede mo ba akong… turuan mag-golf?”Hindi kaagad sumagot ang lalaki. Imbes ay dumako ang paningin niya kay Lianne. Kumunot ang noo niya nang makitang hindi man lang ito nag-react.‘Talaga bang wala siyang pakialam kahit lapitan ako ng ilang babae?’ isip niya, pero umiwas lang ng tingin si Lianne.Bigla tuloy siyang nairita. Seryoso ang ekspresiyon niya nang ibaling ang tingin kay Yanna.“Kung gusto mo matuto, mag-hire ka ng sarili mong coach.”Nalaglag ang panga ni Yanna sa narinig. Tinanggihan siya ni Rozen sa harsh na paraan. Namula tuloy ang mukha niya sa galit at napakuyom ng kamao, pero hindi na lang siya nagsalita.Samantala, nakita naman niyang naglakad na papunta sa court si Lianne at Charlotte, kaya sumunod siya sa mga ito.Wala siyang plano na mapag-isa kasama si Yanna, lalo na at alam niya ang pakay nito. Isang tingin pa lang, alam niyang wala itong magandang plan
Read more