Ngumuso si Lianne bago sinagot ang tawag ni Flynn. “Hello, kuya Flynn?”“Lianne!” pagtawag ni Flynn sa nag-aalalang boses. “Anong nangyari? Okay ka lang ba? Bakit bigla na lang namatay ‘yong call?”“May nangyari ba sa ‘yo? Pupunta na ba ako riyan?” sunod-sunod pa ulit na tanong nito.“Wala, kuya… Ayos lang ako,” sagot ni Lianne sa kalmadong tono. “Ano… Namatay kasi ‘yong phone ko dahil lowbatt na. Kaka-charge ko lang ulit ngayon…”“Oh.” Kumalma naman si Flynn sa narinig. “Ganoon ba?”“Opo…”Nakaramdam ng guilt si Lianne dahil nagsisinungaling siya. Sinamaan niya ng tingin si Rozen, dahil kung hindi dahil dito, hindi naman niya kakailanganing gawin iyon.“So… May time ka ba ngayong weekdays?” muli nitong tanong, umaasa pa rin kahit ni-reject na siya ng dalaga.“Sorry, kuya. Pero wala, eh,” sagot ng dalaga. “May pinagkakaabalahan kasi ako, at wala akong masyadong oras…”Dagdag niya pa, “Sabihin mo na lang sa akin ‘yong route kung saan mo nilalakad si Cherry at Chocolate, tapos ay magre
Baca selengkapnya