CHAPTER 145 Kinabukasan naman ay maagang maaga na naghanda ng kanyang sarili si Benjamin. Ngayong araw kasi ay magkikita sila ni Jake at alam na niya na paniguradong mag iinit ang kanyang ulo mamaya kaya naman ngayon pa lamang ay pinapakiramdaman na niya ang kanyang sarili dahil kailangan niyang kumalma dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya mamaya kapag nagkita sila ni Jake.“Ang aga mo naman yatang papasok sa opisina. May meeting ka ba? Kumain ka na kaya muna ng agahan. Sasabayan na lamang kita,” sabi ni Allaicka sa kanyang asawa dahil halos alas sais pa lamang ng umaga pero nakabihis na nga ang kanyang asawa at handa ng umalis doon.Saglit naman na tinitigan ni Benjamin ang kanyang asawa at saka siya napabuntong hininga.“Oo, may mahalaga akong kameeting ngayon. Kailangan na namin magharap ng lalaki mo para malaman ko ang tunay na dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito,” sagot ni Benjamin sa kanyang asawa.Nagulat naman si Allaicka sa sinabi na iyon ng kanyang asa
Read more