CHAPTER 171Pakaabot ni Allaicka sa resulta ng kanyang ultrasound ay agad na rin naman itong tiningnan ng doktor.“Base on your ultrasound you are seven weeks pregnant, Mrs. Suarez. Congratulations,” bati ng doktora kay Allaicka.Napalunok naman ng sarili niyang laway si Allaicka dahil pakiramdam niya ay nanuyo nga iyon. Yun na kasi talaga ang kinatatakutan niyang marinig kanina pa. Alam naman niya na biyaya ang magkaroon ng anak pero hindi kasi sa sitwasyon niya. May asawa nga siya pero alam niya sa sarili niya na hindi sa asawa niya ang kanyang dinadala.“S-Sigurado na po ba ang resulta na yan dok? S-Sigurado po ba kayo na b-buntis ako?” kandautal naman na tanong ni Alalicka sa doktora.“Yes, Mrs. Suarez. Ang pagbabasehan na kasi natin ngayon ay ang ultrasound na ito dahil malalaman natin kung ilang linggo na nga ba si baby,” sagot naman ng doktor kay Allaicka.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Allaicka at saka niya seryosong tinitigan ang naturang doktor at
اقرأ المزيد