Chapter 111"Huwag mo sanang sasabihin kay Azrael ang mga pinag-usapan natin, Doc," pakiusap ni Shuvee, bahagyang hinihingal nang bumalik sa loob ng opisina ni Dr. Allen.Nagtataka man ay tumango ang doktor. "Makakaasa ka, Shuvee."Nakahinga siya ng maluwag. Paglabas niya sa lobby ay saktong bumukas ang pinto ng elevator at iniluwa nito ang pamilyar na bulto ng lalaki."Scarlett, it's your turn, come on," tawag ni Azrael sa babaeng nakaupo sa waiting area.Natigilan ang lalaki nang mag-angat ng tingin at doon siya nito tuluyang nakita. Sandaling kumunot ang noo nito, tila hindi inaasahan ang presensya niya roon."Hello, Azrael," nakangiting bati ni Shuvee, kaswal at walang bahid ng pait."What are you doing here? You've been discharged from the hospital?" Bakas sa boses nito ang awtoridad at ang tila hindi magandang timpla ng mood."Yes, it's a pleasure to meet you," malamig ngunit magalang niyang sagot.Mas lalong nagdilim ang mukha ng lalaki sa kaniyang inaasal. "You weren't even te
Terakhir Diperbarui : 2026-05-24 Baca selengkapnya