Chapter 446Maagang dumating si Santi sa mansyon. May bitbit siyang regalo para sa Bagong Taon at isang makapal na red envelope para kay Raica.Mula nang mahulog si Raica sa gusali, tinanggal na ang lahat ng dating kasambahay ng mga Riego. Ang mga natira ay para na lang sa gawaing-bahay, habang ang mga personal na nag-aasikaso kay Raica ay pawang galing na sa mga tauhang inayos ni Santi."Mr. Romanov, magtsa-a po muna kayo," bati ng kasambahay habang inilalapag ang tasa ng tsa-a sa may bulwagan."Thank you," tipid na tugon ni Santi.Inabot niya ang mga inihandang red envelopes sa mga kasambahay, pati na rin sa natitirang mga tauhan ng pamilya Riego. Hindi usapin sa kaniya ang pera. Gusto niyang ipamukha at iparamdam sa lahat na si Raica ang tunay na batang madyonda at amo sa bahay na iyon."Dahan-dahan sa pagbaba, Raica," mabilis na utos ni Caroline habang inalalayan ang bata pabalik sa sala.Nang marinig ni Santi ang ingay sa hagdanan, agad siyang tumayo para salubungin ang anak. Nak
อ่านเพิ่มเติม