“Enough!” asik niya."I want to talk about my cousin. I don't want you talking to Damian again. Ayokong magmukhang tanga sa harap ng pinsan ko. You belong to this marriage contract, Sasha. Act like it."Tiningnan ko ang kaniyang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin.Inangat ko ang aking tingin sa kaniya, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakita niya ang matinding pagkasuya sa aking mga mata."Oh, your cousin that brought me in the hospital bago pa man ako maubusan ng dugo," dahan-dahan kong sabi, bawat salita ay may diin at lamig. "I think I can’t do that, malaki ang utang na loob ko sa kan’ya sa labas ng kuntratang meron tayo. I’m just being thankful."Natigilan si Kristoff. Ang kaniyang mga mata ay bahagyang kumurap, tila naguluhan sa sinabi ko tungkol sa dugo, ngunit mabilis na pinalitan ng kaniyang ego ang anumang duda."Dugo?" malamig at walang pakialam niyang tanong, tila iniisip na gumagawa lang ako ng kwento para magpaawa sa kaniya. "Nagasgasan ka rin ba sa pagkahulog mo
Ler mais