Kinagabihan, nakaupo ako sa malaking sofa sa sala habang tinititigan ang isang baso ng mainit na gatas na inihanda ng pribadong nars na kinuha ni Kristoff.Nasa kabilang dako ng hall ang kwarto ni Kristoff. Kanina pa bukas ang pinto niyon, at naririnig ko ang kaniyang mabibigat na hakbang habang pabalik-balik siya sa kaniyang study desk.Alam kong hindi siya makapag-focus sa trabaho niya. Alam kong ang bawat katahimikan na ibinibigay ko sa kaniya ay nagdudulot ng isang nakababaliw na ingay sa kaniyang utak.Ilang sandali pa, lumabas siya mula sa kaniyang kwarto.Hubad ang kaniyang coat, nakatupi ang mga manggas ng kaniyang polo, at may hawak siyang baso ng whiskey. Ang kaniyang mga mata ay namumula, halatang hindi nakakatulog nang maayos at punong-puno ng tensyon.Naglakad siya palapit sa sofa kung nasaan ako. Huminto siya sa mismong harap ko, nakatitig sa akin mula sa kaniyang tayo."Hanggang kailan mo balak maging ganito, Sasha?" malamig niyang tanong, ang boses ay may halong kapagu
Ler mais