"Familiar?"Umiling si Don Roberto, tila iwinawaksi ang isang kaisipan. "Irrelevant. Nandito ako para mag-alok ng solusyon. My son is currently tearing the city apart looking for you. He hasn't slept, he hasn't eaten, and he is mobilizing his private army to hunt you down. If he finds you, he will lock you up, and knowing his obsession right now, you will never see the light of day again."Nanlamig ang mga kamay ko sa banta na iyon, ngunit hindi ako nagpahalata. "Ano ang gusto mong mangyari?"Inilabas ni Don Roberto ang isang checkbook mula sa loob ng kaniyang trench coat, kasama ang isang gintong fountain pen. Mabilis siyang nagsulat at inilapag ang tseke sa ibabaw ng glass table, itinulak ito patungo sa akin."One billion pesos," malamig niyang alok. "And a private jet waiting for you at a hidden airstrip in Clark. Aalis ka ng Pilipinas ngayon din. Pupunta ka sa Switzerland. Papalitan namin ang pangalan mo at mamumuhay ka roon na parang reyna."Tiningnan ko ang tseke. Isang bilyon.
Leer más