"Then I will enjoy watching you burn in hell, Kristoff," sagot ko. "Dahil para sa akin... patay ka na."Tinalikuran ko siya at naglakad patungo sa pinto."Sasha!" sigaw niya mula sa likuran. Narinig ko ang pagbagsak niya muli sa sahig, umiiyak. "SASHA!"Hindi ako lumingon. Binuksan ko ang pinto at naglakad palabas, iniiwan si Kristoff sa loob ng mediation room, wasak, talunan, at mag-isa.*** Ang byahe pabalik sa safehouse sa Tagaytay ay binalot ng isang nakakabinging katahimikan.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng SUV, pinapanood ang pagdaan ng mga puno at mga gusali habang ang ulan ay unti-unting bumabagsak.Ang imahe ni Kristoff—nakaluhod, umiiyak, at nagmamakaawa na parang isang asong nawalan ng amo—ay patuloy na nag-pe-play sa isip ko.“Kahit mamatay ako, Sasha... kahit masunog tayong dalawa sa impyerno... hindi kita pakakawalan.”Napapikit ako at huminga nang malalim. Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay.Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa isang mabigat at
Leer más