Ang init at ang pamilyar na amoy ng hangin sa Maynila ang sumalubong sa akin nang lumapag ang aking eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Tatlong taon. Ang bawat sulok ng airport ay tila ba nagbago, ngunit ang bigat sa aking dibdib ay nanatiling pamilyar.Naka-abang si Damian sa labas ng VIP exit, kasama ang dalawang private security guards. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit."You look different, Sasha," ngiti niya matapos humiwalay, pinagmamasdan ang aking itim na corporate attire at ang aking mahabang buhok na maayos na naka-style. "Mas nagmukha kang matapang.""Sofia, Damian," pilit kong pagtatama, bagaman may munting ngiti sa aking mga labi. "Kumusta si Inay?""Nasa mansyon siya sa Antipolo, naghihintay sa'yo. Gusto sana niyang sumama rito pero pinagbawalan ko dahil baka dagsain kayo ng media kapag nalaman nilang bumalik ang 'Brave Wife' ng pamilya Montenegro," paliwanag niya habang inaalalayan akong sumakay sa isang tinted na SUV.Ha
Read More