“I really love the way you command me, Hyacinth...”Tinitigan ko siya. Inaasahan kong hahablutin niya ako ngayon din. Inaasahan kong gagamitin niya ang pisikal na lakas niya para baliin ang tapang ko, katulad ng ginawa niya sa clinic.Inaasahan kong magagalit siya at igigiit na siya ang masusunod.Pero hindi niya ginawa, sa halip, dahan-dahan siyang umatras.Ibinaba niya ang mga kamay niyang nakaharang sa akin. Ang matigas niyang panga ay lumambot, at ang mga mata niyang kanina ay naglalagablab sa pagnanasa ay napalitan ng isang kakaiba at tahimik.“Okay, Doctor,” mahina, paos, ngunit seryoso niyang sagot.What?Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang dahan-dahan siyang yumuko.Mabilis niyang idinampi niya ang maiinit at malalambot niyang labi sa pisngi ko. Isang banayad at magalang na halik na nagpadala ng libo-libong boltahe ng kuryente sa buong sistema ko.Sandali akong natulala, awang ang labi at nanlalaki ang mga mata.Bago ko pa man siya maitulak o masigawan, tumalikod na siya
Last Updated : 2026-04-27 Read more