“Gusto mo lang akong gawing incubator, Zian. Aanakan? Anong akala mo sa akin? Baboy? Gusto mo lang gamitin ang sinapupunan ko para magkaroon ng anak na isasampal mo sa board of directors para hindi makuha ni Zion ang kumpanya niyo! Pareho lang kayong magkapatid! Mga mapaglaro! Mga manggagamit!” matigas na saad ko habang nakikipag titigan sa nanlilisik niyang mga mata.Nanatiling nakatayo si Zian sa tapat ko. Ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom nang napakahigpit, sapat para mas lalong bumuka ang sugat sa kaniyang kamay at pumatak ang sariwang dugo sa aking sahig.“Incubator?” sa wakas ay nagsalita siya, ang boses ay hindi na sumisigaw, kundi naging isang mababa, gumaralgal, at mapanganib na bulong. “Iyan ba talaga ang tingin mo sa akin, Hyacinth? Isang lalaking walang ibang inisip kundi ang pera at posisyon?”“Bakit, hindi ba?!” ganti ko, pilit na itinatago ang panginginig ng aking tuhod. “Itanggi mo, Zian. Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinabi ni Zion! Sabihin mo sa akin na hin
Last Updated : 2026-06-01 Read more