Share

CHAPTER 42

last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-24 14:06:39

Saka lamang ako nakaramdam ng excitement nang isa-isa ko nang inilagay ang mga damit ko sa maleta. Parang ngayon lang tuluyang nagsink in sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung anong balak ni Rule at bakit niya ako isasama.

Maisip ko pa lamang na kaming tatlo lang sa private beach na sinasabi niya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay nananaginip lamang ako.

Aaminin ko na masaya ang puso ko dahil makakasama ko silang dalawa sa isang bakasyon pero kasabay noon ay hindi ko m
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 44

    Hindi ko na alam kung paano ko lalapitan si Aurora. Sa tuwing babalakin kong lumapit sa kanya ay kaagad niya akong sinasamaan ng tingin. Kaya naman, kahit masakit sa loob ko, ay hinayaan ko na lamang siyang mapag-isa at makapag-isip. Saka ko na lamang ipapaliwanag sa kanya ang lahat kapag kumalma na siya. Isa pa, iyon din ang suhestiyon ni Rule.Kasalukuyan niyang kinakausap si Aurora at pinapatulog sa kwarto nito samantalang matiyaga lamang akong naghihintay dito sa labas ng pintuan, umaasang kailanganin ako ng anak ko. Halos hindi ko na maramdaman ang mga binti ko dahil ilang oras na rin akong nakatayo. Patuloy pa ring umaagos ang mga luha ko habang paulit-ulit kong binubulong ang salitang sorry.Tahimik ang buong mansyon. Hindi naman ito bago sa akin pero may kung anong bigat sa katahimikang iyon na lalo lamang dumudurog sa puso ko. Mas lalo lamang nitong pinapalalim ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Parang nakikisabay sa akin ang nakakabinging katahimikan ng paligid.Halos

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 14

    “You’re my mom?” Nagsimula siyang humikbi habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang matinding pagkalito sa kanyang mga mata at tila ba hindi niya matanggap ang narinig niya. Para bang gusto niyang marinig na mali lang ang lahat. Na hindi totoo ang mga sinabi ni Chloe. “Yes.” si Chloe ang sumagot para sa akin. Napakabagal ng pagkakasabi niya sa salitang iyon habang nakangisi sa akin. Halatang ine-enjoy niya ang nangyayari ngayon. Para bang natutuwa siyang nakikita akong unti-unting nasisira sa harapan niya. Kung wala lang talaga si Aurora ay baka nasampal ko na siya. Oo, siya ang nagpalaki kay Aurora. Oo, siya ang kinikilalang ina nito pero kahit na ganoon ay wala siyang karapatan na sabihin sa anak ko ang mga bagay na iyon. Ako dapat ang magsasabi ng totoo sa anak ko. Ako dapat ang magpapaliwanag sa kanya. Hindi sa ganitong paraan. Hindi habang sugatan siya at umiiyak. Hindi ko pinansin si Chloe at lakas-loob akong humakbang palapit kay Aurora na ngayon ay

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 42

    Saka lamang ako nakaramdam ng excitement nang isa-isa ko nang inilagay ang mga damit ko sa maleta. Parang ngayon lang tuluyang nagsink in sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung anong balak ni Rule at bakit niya ako isasama.Maisip ko pa lamang na kaming tatlo lang sa private beach na sinasabi niya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay nananaginip lamang ako.Aaminin ko na masaya ang puso ko dahil makakasama ko silang dalawa sa isang bakasyon pero kasabay noon ay hindi ko mapigilang kabahan dahil alam kong galit sa akin si Chloe. Pero ano bang magagawa ko? Si Rule na mismo ang nagsabi sa kanya na hindi siya kasama at hindi ko na iyon kasalanan.Siguro ay ihahanda ko na lamang ang sarili ko sa pagbalik namin dahil tiyak akong mas lalo lang niya akong pag-iinitan. Pakiramdam ko nga kanina ay gusto na niya akong sabunutan pero dahil kasama namin si Aurora ay napigilan niya ang sarili niya.Napabuntong-hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag-eempake. Isa-isa ko

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 41

    “What if Daddy changes his mind?” hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Aurora.Kanina pa siya paulit-ulit at hindi mapakali sa kanyang kama. Kasalukuyan kong ineempake ang kanyang mga gamit na dadalhin namin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong tinanong pero isa lang ang alam ko—sobrang excited na niyang makita ang dagat.Saglit akong tumigil sa paglalagay ng mga damit sa kanyang maliit na maleta at pagkatapos ay nakangiting tumingin sa kanya.“Hindi iyon gagawin ng Daddy mo.”Muli siyang ngumiti samantalang ang kanyang mga mata ay muling kumislap sa sobrang saya. Mabilis siyang tumalon pababa sa kanyang kama at lumapit sa akin. Kaagad niya akong niyakap sa bewang bago sumiksik sa tabi ko.Napakalambing talaga ng anak ko sa akin.“I’m so excited, Mia!” ani niya habang niyuyugyog ang braso ko. “Can we swim together and build a sandcastle and watch the sunset?”“Oo naman!” mabilis kong sagot habang inaayos ang nagulo niyang buhok.Pakiramdam ko ay nakalimutan na niya

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 40

    Hindi ako makapaniwala na hinayaan kong tumabi sa akin si Rule kagabi. Siguro ay masyado lamang akong nadala sa emosyon ko. Hindi ko ikakaila na nagustuhan ko ang pag-comfort niya sa akin kagabi. Pakiramdam ko ay gumaan ang sakit na nararamdaman ko dahil dinamayan niya ako. Nakatulong din sa akin ang pagyakap niya dahil pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa.Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung dito ba talaga siya natulog o baka naman hinintay niya lang akong makatulog pagkatapos ay umalis na siya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin ngayon. Nahihiya ako dahil nakita niya ako sa ganoong sitwasyon. Narinig niya ang malakas kong pag-iyak at higit sa lahat ay nabasa ko pa ng sipon at luha ang kanyang damit.Mukha namang wala lang iyon sa kanya dahil hinayaan niya lang ako. Siya na nga mismo ang nagpahid ng luha at sipon ko kaya naman ay mas lalo akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Kung maibabalik ko lamang ang oras ay titiyakin kong hindi ko iyon gag

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 39

    Ilang araw ko na ring hindi nakakasama si Aurora. Napapadalas kasi ang pagpunta ni Chloe dito para makipaglaro sa kanya. Minsan ay isinasama niya ang anak ko para mag-shopping. Hindi ko alam kung sinasadya ba iyon gawin ni Chloe sa akin o baka naman talagang namimiss niya lamang ang anak ko.Nakakasama ko naman si Aurora, kaya lang ay sa gabi lang kung kailan patulog na siya. Ako kasi ang nagpapatulog sa kanya. Kailangan pa kasi siyang basahan ng libro para makatulog siya o kaya naman ay kantahan. Minsan, sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay sa tabi niya ako natutulog. Hindi ko na rin siya nagagawang ipagluto ng kanyang pagkain dahil madalas ay si Chloe na ang gumagawa ng bagay na iyon.Hindi naman ako makapagreklamo sa kanya. Dahil sino ba naman ako. Isa lang akong nanny slash babysitter sa bahay na ito. Kaya kahit na masakit ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi ako kailanman magkakaroon ng karapatan sa pamamahay na ito.Katulad na lang ngayon. Kasalukuyang nasa kwarto

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status