"G-gutom ako." pang iiba ko ng usapan ng marating namin ang likod bahay."Sige, ipapahanda ko lang kay Wilma ang mga prutas para sayo.""Mmm, m-may nakita akong bunga ng manga doon." sabay turo sa hindi kalayuan ng bahay.""Gusto mo bang manungkit tayo?"Umiling ako. Kalabisan man pero parang may nagtutulak sa akin na paakyatin siya duon."G-gusto ko ng kambal na manga." at iyon nga ang hiling ko na hindi ko alam kong makakakita ba siya ng kambal na manga ngayon sa mga bunga ng manggang itinuro ko."Huh. Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong pa talaga niya sa akin. "Kung aakyat dyan ay siguro ay kaya ko pa. Pero ang maghanap ng kambal na manga..."Yumuko ako. Ipinakita kong hindi ko nagustuhan ang pagtanggi niya. Sinabayan ko na din ng pagtalikod sa kanya."Kung ganun, huwag na lang. Ayaw ko ng kumain.""Hey! Wait, Hindi ko naman sinabing ayaw ko. Aakyat ako at ikukuha kita ng manga, pero hindi ako makaka sigurado na may kambal na bunga akong makukuha.""S-subukan mo parin?" "Oo.
Read more