EMERYDahan-dahang tumigas ang mukha ni Ravia habang diretso niya akong tinitigan.Pagkatapos, marahan siyang natawa.“Ngayon mo lang nalaman?” mababa niyang tanong.Napakunot ang noo ko.“At ano’ng ibig mong sabihin?”Bahagyang tinaas ni Ravia ang baba niya.“Hindi mo ba alam na apat na taon na kami ng asawa mo?”Natigilan ako. Alam ko naman na matagal na sila ng asawa ko pero ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon sa akin.At kahit pilit kong pinapatatag ang sarili ko, pakiramdam ko ay may mabigat na kamay na unti-unting dumudurog sa dibdib ko.Tama, apat na taon niya akong niloloko. Apat na taon akong ginawang tanga.Napangiti si Ravia nang mapansin niya ang reaksyon ko.“Honestly, Emery,” mahinahon niyang dagdag habang inaayos ang buhok niya, “ikaw naman ang sumingit sa amin.”Nanlaki ang mata ko.“What?”“Matagal na kaming nagmamahalan ni Weston pagkatapos kayo ikasal,” diretso niyang sabi. Napatawa ako sa sobra dahil hindi ako makapaniwala sa kakapalan ng mukha niya.“Wow…” mah
Última atualização : 2026-05-18 Ler mais