Beranda / Romance / Marry Me Instead / Chapter 036– Happy Birthday, Ravia

Share

Chapter 036– Happy Birthday, Ravia

Penulis: Eliana Asher
last update Tanggal publikasi: 2026-05-13 21:51:15

EMERY

Sa sandaling tuluyan akong makapasok sa ballroom, halos lahat ng mata ay napunta sa akin.

Ramdam ko ang mabibigat na tingin ng mga tao habang dahan-dahan akong naglalakad sa gitna ng venue. Kasabay ng bawat hakbang ko ang mahihinang bulungan na hindi ko naman kailangang piliting pakinggan para maintindihan.

“Hindi ba asawa ‘yan ni Weston Montenegro?”

“Grabe… mas maganda pa siya kaysa birthday celebrant.”

“Ang classy niya tingnan…”

Bahagya akong napangiti. Hindi dahil sa mga papuri nila, k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Marry Me Instead   Chapter 080- Under Zion’s Protection

    EMERY“Be my girlfriend. So no one can ever touch you or come close to you,” malamig na sabi ni Zion sa akin noon.Natigilan ako sa sinabi niya. Ganoon na ganoon siya noon.Nasa loob kami noon sa classroom. Uwian na at wala na mga tao sa labas. Nakatayo siya sa harap ko, suot ang school uniform niya. Tahimik. Cool. Yung dating Zion na laging kalmado, laging parang walang pakialam, pero kapag tumingin sa’yo, parang ikaw lang ang nakikita niya.Inabot niya ang kamay niya sa akin. Tinitigan ko iyon nang ilang segundo bago ko dahan-dahang hinawakan.Hinawakan niya ang mukha ko, saka dahan-dahang yumuko. Bago pa ako makaiwas, naramdaman ko na naman ang labi niya sa labi ko.Napapikit ako.Sa panaginip ko, hindi ako umiwas.Mas lumapit siya, at naramdaman ko ang kamay niyang marahang dumulas mula sa balikat ko pababa sa bewang ko. Mainit ang palad niya. Maingat, pero sapat para bumilis ang tibok ng puso ko.Napakapit ako sa kanya.Maya-maya, dumampi ang kamay niya sa bandang dibdib ko.Nap

  • Marry Me Instead   Chapter 079- I Was Never Pretending

    EMERYParang tumigil ang paligid ko. Wala akong narinig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. Wala akong naramdaman kundi ang init ng hininga niya, ang bigat ng presensya niya, at ang paraan ng marahan niyang paghalik sa akin na parang pinipigilan pa rin niya ang sarili niya.Hindi ko namalayang sinabayan ko na ang halik niya.Naramdaman kong saglit na tumigil si Zion, na para bang siya mismo ay nagulat sa ginawa ko. Pero pagkatapos noon, mas dumiin ang halik niya. Napahawak ako sa damit niya. Dahan-dahang dumulas ang kamay ni Zion mula sa gilid ng mukha ko pababa sa balikat ko. Maingat ang bawat galaw niya, pero ramdam ko ang init ng palad niya kahit sa ibabaw ng hospital gown ko. Maya-maya, napunta ang kamay niya sa bewang ko kaya bahagya akong napasinghap. Doon ko naramdaman na parang nauubusan na ako ng lakas.Hindi ko rin napigilan ang kamay ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang gilid ng kabilang dibdib niyang walang sugat. Pero ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso niya

  • Marry Me Instead   Chapter 078- The First Kiss! 💋

    EMERYBahagya siyang natawa, pero agad ding napaubo.Agad akong napaupo sa kama. “Ayan kasi. Ang dami mong sinasabi.”Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa. Kita sa mukha niya ang sakit, kaya mabilis akong bumaba sa kama at inalalayan siya.“Careful,” sabi ko.“Mag-iingat ka rin,” sagot niya. “You’re pregnant.”“Can you stop reminding me every five seconds?” inis kong sabi.Napairap ako, pero hindi ko binitawan ang braso niya. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya habang inaalalayan ko siya, pero pilit niyang binabawasan ang pressure sa akin.Kahit sugatan, ako pa rin ang iniisip niya. At ayaw kong aminin kung gaano iyon nakakagulo sa dibdib ko.Mabagal siyang humiga sa kabilang gilid ng kama. Sinigurado kong may malaking pagitan sa amin. Halos pwede pang humiga ang isang maliit na bata sa gitna.Pero parang hindi pa sapat iyon.Kumuha ako ng isang malaking unan at inilagay iyon sa gitna naming dalawa.Napatingin si Zion sa unan. Tapos napatingin siya sa akin.“Seriously? Is that a w

  • Marry Me Instead   Chapter 077- He's Insane

    EMERY Nagpunta ako kanina sa nurse station para kunin ang ilang gamit ko. Sinilip ko na rin ang kuwarto ko, at totoo ngang may naka-occupy na roon. Napabuga ako ng hangin habang hawak ang maliit kong bag. Gusto kong maniwala na coincidence lang iyon, pero kilala ko na si Zion kahit papaano. Sa mukha pa lang niya kanina, alam kong may kinalaman siya roon. Habang pabalik ako sa VIP suite niya, bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang dibdib ko. Siguro dahil hindi ako sanay na may kasama sa iisang kuwarto. Kahit noong kasama ko pa si Weston, hindi naman kami naging ganito. Oo, may pangalan kaming mag-asawa sa harap ng ibang tao, pero ang totoo, ang layo-layo namin sa isa’t isa. Madalas wala siya. Madalas mag-isa ako. Madalas, kahit nasa iisang bahay kami, parang hindi kami magkakilala. Pero ngayon? Si Zion. Ang ex ko ang kasama ko mamayang gabi. Paano ako matutulog sa iisang kuwarto kasama siya? Paano ako kikilos nang normal kung ba

  • Marry Me Instead   Chapter 076- Stay Here With Me

    EMERYNatigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong humaplos sa dibdib ko. Gusto kong magreklamo. Gusto kong sabihin na hindi niya kailangang gawin iyon para sa akin. Pero hindi ko magawa, nakatikom lang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.“Zion…” mahina kong sabi.Doon lang niya ako nilingon.“Emery, he tried to hurt you and my children,” sabi niya, malamig pero pigil ang galit. “So no, I won’t just lie here and do nothing.”Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng mga salitang iyon, parang nabawasan ng kaunti ang takot sa loob ko.Ilang sandali pa, pumasok ang doctor kasama ang nurse para i-check ako. Sinukat nila ang blood pressure ko, tiningnan ang heartbeat ng kambal, at ilang beses tinanong kung may pananakit ba akong nararamdaman.Nakahiga ako sa kabilang couch habang inaayos ng nurse ang monitor.“Ma’am Emery,” sabi ng doctor, “stable naman po ang babies, pero kailangan niyo pong magpahinga. Malaki ang naging stress ng katawan niyo.

  • Marry Me Instead   Chapter 075- No One Will Touch You Again 

    EMERYBigla akong nakaramdam ng takot, dahil kung kayang patahimikin ng lalaking iyon si Francis, ibig sabihin mas malakas siya kaysa inaakala namin.Mas nakakatakot pa roon, nakatakas ang taong nag-utos na saktan ako at ng mga anak ko. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko ang itsura niya.Akala ko kapag nakalabas na ako sa islang iyon, makahihinga na ako nang maluwag. Pero bakit parang kinakabahan pa rin ako?Huminga ako nang malalim. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa malayo. Kanina lang, inilipat na si Zion mula ICU papunta sa VIP suite. Mas maayos na raw ang lagay niya, at tinanggal na rin ang suwero sa kamay niya, pero may benda pa rin sa bandang dibdib niya at halata pa rin sa mukha niya ang panghihina.Pero kahit ganoon, siya pa rin ang mas kalmado sa aming dalawa. “Emery.”Napakurap ako nang marinig ang boses ni Zion.Napatingin ako sa kanya. Nakahiga siya sa kama, nakasandal sa headboard, suot ang hospital gown, pero kahit may sakit, hind

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status