EMERYPagkauwi ko sa condo, diretso lang akong pumasok sa kwarto dala ang malaking maleta ko. Tahimik ang buong unit, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, parang lalo lang bumigat ang dibdib ko habang isa-isang inilalabas ang mga gamit ko.Hanggang sa maya-maya, natigilan ako nang makita ko ang treasure box sa pinakailalim ng maleta.Walang imik kong kinuha ito. Naalala kong matagal-tagal ko nang hindi binubuksan ito. Dati, pakiramdam ko… ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na meron ako. Pero ngayon, parang isa na lang kahon ng katangahan ko.Mahigpit kong niyakap ang treasure box bago tahimik na lumabas ng unit. Dumiretso ako sa rooftop ng building habang may dala ring maliit na metal container na binili ko kanina sa convenience store bago ako bumalik dito sa condo. Doon ko balak ilagay ang abo ng lahat ng alaala naming dalawa ni Weston.Pagdating ko sa rooftop, agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Madilim na ang langit, ngunit makulimlim ang langit, parang anumang oras
Última atualização : 2026-05-25 Ler mais