EMERYTahimik lang akong nakatingin kay Weston habang hinihintay ang sagot niya. Mukhang nahirapan pa siyang tanggapin ang gusto ko, ngunit ilang segundo rin bago siya tuluyang napabuntong-hininga.“Alright,” mababa niyang sabi habang pinapadaan ang kamay sa buhok niya. “Papayag na ako sa gusto mo.”Bahagya akong natigilan. Hindi ko inasahang ganoon siya kabilis pumayag.“But make sure na alam ko kung saan ka nakatira,” dugtong niya habang seryoso akong tinitingnan.Tahimik lang akong tumango. At sa totoo lang, wala na rin naman akong pakialam kung alam niya ang lugar na lilipatan ko. Ang importante ay makalayo na sa kanya.Maya-maya, tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, agad siyang tumayo.“Kailangan kong ayusin ang problema sa kumpanya,” sabi niya habang inaayos ang coat niya. “Magpahinga ka muna.”Hindi ako sumagot. Tahimik ko lang siyang pinanood hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng kwarto.At nang tuluyang sumara ang pinto, saka lang ako napabunt
Última atualização : 2026-05-19 Ler mais