EMERY“Excuse me, sir, ma’am.” Pareho kaming napalingon ni Zion.Parang sabay naputol ang kung anong mabigat na bagay na nakasabit sa pagitan namin. Sa totoo lang, muntik ko pang yakapin ang waiter sa sobrang pasasalamat. Kung hindi lang nakakahiya.Salamat, Lord. May sumagip din sa wakas.Dumating ang waiter, dala ang dalawang plato. Maingat niyang inilapag iyon sa mesa.“Grilled salmon for both.”Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Hindi ko alam kung dahil sa pagkain o dahil sa wakas, may dumating na distraction—kahit saglit lang. “Thank you,” mabilis kong sabi.Medyo halata na excited ang boses ko, pero wala na akong pakialam. Kung pwede lang, makipagkwentuhan na rin ako sa waiter para lang maiwasan ang katahimikan na bumabalik agad sa amin.Pagkaalis niya, muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Yung pagkain na nasa pagitan namin ay para bang nagsisilbing hadlang sa kung anong dapat naming pag-usapan. Parang may invisible wall na nagsasabing, kumain ka na lang, huwag
Última atualização : 2026-05-05 Ler mais