EMERYKinabukasan, maaga akong nagising. Hindi dahil nakatulog ako nang maayos. Sa totoo lang, halos buong gabi akong paikot-ikot sa kama, paulit-ulit na iniisip ang lahat ng nangyari—si Zion, ang proposal niya, ang mga regalo niya, at ang paraan ng pagpasok niya sa buhay ko na para bang may karapatan siyang ayusin ang lahat. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa. Pero isang bagay ang malinaw sa akin.Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kaniya.Kaya ngayon, nakatayo ako sa gitna ng sala habang nakatitig sa mga box na puno ng lahat ng welcome gifts na ipinadala niya. Maternity dresses, skincare, vitamins, imported food, at kung anu-ano pang mamahaling bagay na hindi ko naman hiningi.Isa-isa kong inayos ang mga iyon sa malaking box.“Grabe ka talaga, Zion…” bulong ko habang inilalagay ang isang folded dress sa loob. “Akala mo ba madadala mo ako sa ganito?”Napabuga ako ng hangin at napahawak sa bewang ko. Hindi ako dapat matuwa. Hindi ako dapat ma-touch. Regalo lang ’to.
Last Updated : 2026-05-29 Read more