THIRD PERSON POV“Doon siya dumaan!” sigaw ng isang maid mula sa likod.Mas lalong bumilis ang takbo ni Emery. Halos madulas siya sa makintab na sahig, pero agad siyang kumapit sa gilid ng pader para hindi matumba. Napapikit siya sandali sa kaba, saka muling tumakbo.Hindi siya pwedeng mahuli.Sa dulo ng hallway, may nakita siyang hagdan pababa. Hindi niya alam kung saan iyon papunta, pero wala na siyang ibang pagpipilian. Mabilis siyang bumaba, hawak pa rin ang tiyan habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa railing.“Bilisan niyo! Buntis siya, hindi siya makakalayo!” sigaw ng isang lalaki.Mas lalong kumirot ang dibdib ni Emery sa narinig.Buntis siya, oo, pero hindi ibig sabihin mahina siya. Pagbaba niya sa unang palapag, bumungad sa kanya ang isang malaking living area. Malawak iyon, may matataas na kisame, may mamahaling chandelier, at malalaking painting sa pader. Pero wala siyang oras para titigan ang ganda ng lugar.Hinahanap niya ang pinto, ang exit, kahit anong daan palab
Última atualização : 2026-05-30 Ler mais