Home / Romance / Marry Me Instead / Chapter 056- Burning Memories

Share

Chapter 056- Burning Memories

Author: Eliana Asher
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-25 22:41:51

EMERY

Pagkauwi ko sa condo, diretso lang akong pumasok sa kwarto dala ang malaking maleta ko. Tahimik ang buong unit, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, parang lalo lang bumigat ang dibdib ko habang isa-isang inilalabas ang mga gamit ko.

Hanggang sa maya-maya, natigilan ako nang makita ko ang treasure box sa pinakailalim ng maleta.

Walang imik kong kinuha ito. Naalala kong matagal-tagal ko nang hindi binubuksan ito.

Dati, pakiramdam ko… ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na meron ako.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eliana Asher
Wow, salamat po sa comment. Coming up na po yung sweet moments hehe :)
goodnovel comment avatar
Ana Liza Bati-Ayunar
nakakakilig naman si Amery at Zion..Sana Author sweet na sila..salamat sa Updates po
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Marry Me Instead   Chapter 057- Ravia’s Provocation

    EMERY“Zion?” mahina kong sambit habang nakatitig lang sa kanya.Napakalapit namin.At kahit malakas ang ulan at umaamoy ang basang semento ng rooftop, mas nangingibabaw pa rin ang pabango niya. Iyong malamig at malinis na amoy na hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.Napalunok ako bago bahagyang umiwas ng tingin.“Anong ginagawa mo rito?” naguguluhan kong tanong. “Sinusundan mo na naman ba ako?”Hindi agad sumagot si Zion.Sa halip, napatingin muna siya sa metal container sa sahig. Napalingon din ako roon. Mabuti na lang at bago pa bumuhos nang malakas ang ulan, abo na lahat ng sinunog ko. Halo-halong basang abo, sunog na papel, at pira-pirasong litrato na hindi na makilala ang nakita niya.“Wala ka kanina sa unit mo,” mababa niyang sabi. “Hinahanap kita.”Bahagya akong natigilan.“Nabalitaan ko ang nangyari sa Armani Group,” dagdag pa niya.Bigla akong napatingin sa kanya.“Bakit, Zion… nag-aalala ka ba sa akin?” hindi ko napigilang tanungin.Tah

  • Marry Me Instead   Chapter 056- Burning Memories

    EMERYPagkauwi ko sa condo, diretso lang akong pumasok sa kwarto dala ang malaking maleta ko. Tahimik ang buong unit, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, parang lalo lang bumigat ang dibdib ko habang isa-isang inilalabas ang mga gamit ko.Hanggang sa maya-maya, natigilan ako nang makita ko ang treasure box sa pinakailalim ng maleta.Walang imik kong kinuha ito. Naalala kong matagal-tagal ko nang hindi binubuksan ito. Dati, pakiramdam ko… ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na meron ako. Pero ngayon, parang isa na lang kahon ng katangahan ko.Mahigpit kong niyakap ang treasure box bago tahimik na lumabas ng unit. Dumiretso ako sa rooftop ng building habang may dala ring maliit na metal container na binili ko kanina sa convenience store bago ako bumalik dito sa condo. Doon ko balak ilagay ang abo ng lahat ng alaala naming dalawa ni Weston.Pagdating ko sa rooftop, agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Madilim na ang langit, ngunit makulimlim ang langit, parang anumang oras

  • Marry Me Instead   Chapter 055- Enjoy It While It Lasts

    EMERYHindi ko namalayang nakarating na pala ako sa Montenegro mansion.Tahimik akong napatingin sa malaking gate habang dahan-dahang pumapasok ang sasakyan sa malawak na driveway. Sa totoo lang, pagod na pagod na ako emotionally matapos ang nangyari sa Armani Group. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang ekspresyon ni Weston kanina sa conference room.Parang sigurado na naman siyang mananalo siya laban sa akin.Mahina akong napabuntong-hininga bago marahang sumandal sa upuan.Pagkababa ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ng mga kasambahay. Tahimik lang silang yumuko habang naglalakad ako. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa loob, biglang bumukas ang pinto ng mansion.“Emery.”Napatingin ako kay Benicio na kasalukuyang nakatayo sa may sala. Nakasuot lang ito ng simpleng dark cardigan habang may hawak na tasa ng tsaa. Ngunit kahit gano’n, halata pa rin ang bigat ng pagod sa mukha nito nitong mga nakaraang araw.“Lo…” mahina kong bati.Bahagyang lumambot ang ekspresy

  • Marry Me Instead   Chapter 054- To Investigate Ravia’s Past

    THIRD PERSON POVTahimik ang buong opisina ni Zion habang busy siya sa pag-scroll niya sa tablet para sa meeting report niya mamaya. Ngunit halata sa mukha niyang wala talaga roon ang atensyon niya dahil lutang pa ang isip niya dahil hindi ito nakatulog nang maayos kagabi matapos ang nangyari sa condo hallway nila ni Emery.At sa totoo lang… hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang narinig niyang sinabi ni Emery sa labas ng pinto bago ito umalis. “Mga anak, hindi niyo pwedeng malaman na bakla ang daddy niyo…”Napangiwi siya habang mariing ipinikit sandali ang mga mata niya. “Damn it…”Bigla namang bumukas ang pinto ng opisina niya.“Sir Zion!”Mabilis na napamulat si Zion habang napatingin kay Spencer na halos habol ang hininga sa pagmamadaling pumasok.“What’s wrong?” malamig nitong tanong habang muling sumandal sa swivel chair niya.“May emergency voting po kanina sa Armani Group!” mabilis na sabi ni Spencer habang hawak ang tablet niya. “Ba

  • Marry Me Instead   Chapter 053- The Vote

    EMERYTahimik ang buong conference room matapos sabihin ng shareholder na gusto nilang tanggalin si Weston bilang acting CEO ng Armani Group. Ramdam ko ang bigat ng tensyon sa paligid habang isa-isang nakatingin ang lahat sa kanya. Ngunit imbes na mataranta si Weston, bigla lang siyang natawa nang mahina—mapait at tila hindi makapaniwala. Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa upuan niya habang inaayos ang manggas ng suot niyang coat. Kita ko ang pagod sa mukha niya, pero naroon pa rin iyong pamilyar na aura niya bilang isang Montenegro—confident, dominante, at sanay manalo kahit pa nasa alanganin na ang sitwasyon niya. “Interesting,” mababa niyang saad habang marahang tumatango. “So after everything I’ve done for this company… ganito lang pala kadali ninyo akong tanggalin.”Biglang tumahimik ang lahat. Iginala ni Weston ang tingin niya sa conference room habang isa-isang tinitingnan ang mukha ng mga shareholders.“Mr. John,” tawag niya sa matandang lalaki sa kaliwa. “No’ng muntik

  • Marry Me Instead   Chapter 052- To Remove Weston as the Acting CEO

    THIRD PERSON POVMabilis na pinaandar ni Weston ang sasakyan palabas ng condo ni Ravia. Halos hindi na nito maramdaman ang pagod sa buong katawan dahil sa biglang pagtaas ng adrenaline niya matapos marinig ang sinabi ni Lydia tungkol sa emergency shareholders meeting.At higit sa lahat, posibleng tanggalin siya bilang acting CEO ng Armani Group.Mahigpit na napakuyom si Weston sa manibela habang mabilis ang takbo ng sasakyan niya sa kalsada. Pakiramdam niya, sunod-sunod nang bumabagsak ang lahat sa paligid niya.Una ang issue nila ni Ravia.Pagkatapos ang pagbagsak ng Montenegro Group.At ngayon… pati Armani Group, nagsisimula nang kumawala sa kontrol niya.Makalipas ang halos tatlumpung minuto, mabilis na huminto ang sasakyan niya sa harap ng Armani Group building.Ngunit paglabas pa lang niya ng kotse, agad na niyang napansin ang kakaibang tensyon sa paligid. Tahimik lang ang mga empleyado. Ngunit halos lahat ng matang madaanan niya ay nakatingin sa kanya.May ilan pang mabilis na n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status