เข้าสู่ระบบCHAPTER 251 Mas lalong nanghaba ang mga nguso ni Lyndel. Nagdadabog na umupo siya sa sofa sabay kapit sa sandalan na para bang kapag kinaladkad siya ni Jensen ay hindi siya nito basta-basta madadala. “Ayaw ko. Hirap na hirap nga akong makapasok dito kaya hindi mo ako basta-basta mapapaalis. Malay ko ba na huling beses na pala ito na kusa mo akong papasukin. Magtrabaho ka lang diyan, hindi naman kita iistorbohin. Pagkatapos ng trabaho mo, kakain tayo sa labas.” Bumuga na lang ng hangin si Jensen at binalikan ang trabaho. Hindi ito tumutol—yes! Nakalimutan niya agad ang sama ng loob at nangingiting tinitigan na lang si Jensen. Hay! Ang gwapo talaga ng fiance niya. Biglang nag-angat ng tingin si Jensen kaya mabilis siyang yumuko sa cellphone niya at nagkunyaring may tinitingnan. “Stop staring at me,” masungit nitong wika. “Hindi naman kita tinititigan. Maglalaro na lang ako sa cellphone ko,” sabi niya saka binuksan ang cellphone
CHAPTER 250"May period ka ba? Ang sungit mo!"“Hindi ka ba nagsasawa kausap ako?”“Ano bang problema mo? Ang sungit-sungit mo naman. Hindi ba pwedeng kausapin mo ako ng maayos? May sasabihin ako, pwede ba tayong magkita sa coffeshop?”Umirap si Jillian sa kawalan. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Ayaw kong makipagkita sa ‘yo kasi hindi naman tayo close.”Hula niya ay nakasimangot na ang bratinela na nasa kabilang linya. “Ayaw pa rin akong pansinin ni Jensen. Anong gagawin ko?”“Malay ko naman sa pwede mong gawin.”“Di ba dati kang secretary niya kaya dapat ay kilala mo siya. Dapat alam mo.”Bumuntong-hininga si Jil saka napailing-iling. “Ang alam ko babaero siya. Nilalandi niya lahat. Baka nga pati poste na pasuotin ng palda ay landiin niya rin.”“Matagal na ‘yon. Nagbago na si Jensen. Alam mo ba na simula nang ma-engage kami, wala na siyang ibang babae? Naniniwala ako na nagbago na talaga siya at magiging mabuting asawa siya sa akin.”Hinilot ni Jillian ang sintido. Ewan niya
CHAPTER 249[JILLIAN] NANGINGITI pa rin si Jillian nang matapos ang tawag nila ng bestfriend niya. Ngunit, paglingon niya ay muntik na siyang mapasigaw nang makita ang asawa niyang nakatayo sa likuran, maangas na nakahalukipkip at naniningkit ang mga mata sa kanya. “Nandyan ka pa pala? Akala ko umalis ka na? Hehe.” Isinara nito ang kanilang distansya. Napaatras si Jillian nang idiniin ni Zacharias ang mga kamay sa magkabilang gilid niya kaya nakulong siya sa pagkakaupo sa high stool ng kitchen counter. “Kung umalis na ako agad, hindi ko maririnig ang mga sinabi mo tungkol sa akin,” mapanganib nitong sabi. “W-Wala naman akong sinabing masama. Alin ba doon?” Mas inilapit ni Zacharias ang mukha sa mukha niya kaya napaatras naman siya. “Really? Wala?” “Wala. Bakit, hindi ba totoo na lagot ka sa akin?” tinikwasan niya ito ng isang kilay pero ang asawa niya ay hinawakan ang kanyang baba.
CHAPTER 248 Basta na lang tinalikuran ni Bella ang lalaki. Gumawa pa ng tunog ang pinto nang isinara niya iyon. Nakaimpake niya ang mga natitira niyang gamit sa working table niya kaya binitbit niya iyon sabay layas. Narinig niya pa ang pagkalansingan ng kung ano sa loob ng opisina ni Renzo at galit nitong sigaw subalit, wala siyang pakialam. Pinagtitinginan siya ng nadaanan niyang empleyado dahil bitbit niya ang box. Nababasa niya sa mata ng mga ito ang paghanga dahil walang pagdadalawang isip na umalis siya. Medyo naawa naman si Bella dahil naiintindihan niya na overwork ang mga ito ngunit hindi makaalis sa trabaho dahil may pamilyang binubuhay. Swerte siya ng lubos dahil may emergency fund at ipon siya. Swerte siya dahil may mga magulang siya at kapatid na pwedeng uwian. Di bale, kapag nakahanap siya ng magandang kompanya at may mga bakante ay ire-refer niya ang mga ito. Pagkasakay niya sa sariling kotse ay humugot siya ng malalim na
CHAPTER 247 Na-impress sa kanya ang mga kasama roon dahil hindi niya kailangan utusan. Napansin din ni Bella na tila aprubado siya kay Renzo El Real. Pagkatapos ng meeting ay inisa-isa niya sa boss niya ang mga agenda na kailangan pagtuonan ng pansin sa mga susunod na araw. Sinamahan niya rin si Sir El Real na ihatid sa labas ng hotel ang mga ka-meeting. “Sir, uuwi na ako,” sabi niya sa patag na tinig nang makaalis ang lahat. “You’re lucky today. Hindi mo na-offend ang mga kliyente pero sa susunod hindi ka magiging ganon ka-swerte kaya mag-ingat ka sa mga galaw mo,” sermon nito sa kanya. Pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa, bakas na bakas ang pagkadisgusto sa balot na balot niyang itsura. “Sa susunod, kapag pinainom ka ng alak, uminom ka. Kung kailangan mong magpakita ng katawan ay gawin mo. Maganda ka kaya gamitin mo para makakuha ng kliyente.” Nanatiling blangko ang tingin niya sa kay Renzo El Real kaya tila nanggigil p
CHAPTER 246 “Anong ginagawa mo? Uy, hiwalay na tayo,” sita niya habang namumula ang mga pisngi. Hindi sumagot si Xander bagkus ay nakatitig lamang ito sa kanya. Ngunit, maya-maya pa ay naramdaman niya ang mga daliri nito na nagsasara ng butones ng suot niyang coat. “Sinasara ko lang,” namamaos nitong wika. “Did you think I will kiss you?” Hindi siya nakasagot dahil iyon ang akala niya. Nakataas ang sulok ng labi ni Xander habang tinatapos nito ang ginagawang pagsasara sa mga butones ng coat. Pati tali niyon ay mahigpit na isinara kaya balot na balot siya. Napakapangit naman ng fashion taste ng lalaking ‘to. Akmang bubuksan niya nang mabilis siyang pinigilan ni Xander."Huwag mong bubuksan!"Kumunot ang kanyang noo pero hindi iyon pinansin ni Xander bagkus ay kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay roon ang kulay itim na card. “Take this. Umalis ka sa trabaho mo ngayon at habang naghahanap ka ay dyan ka na kumuha ng panggast
CHAPTER 2 Nang matapos ang dinner party ay umalis agad si Jillian. Hindi na niya nagawang makapagpaalam sa amo niya. Basta na lang siya lumabas sa VIP room at tumawag ng Taxi bago pa siya tuluyang mapahagulgol sa harap ng lahat. Pasado alas-dyes na nang gabi nang pumarada an
CHAPTER 1 Tahimik lamang si Jillian habang pinapanood ang kanyang boss, si Jensen, na nakikipag-usap sa kaibigan nito. Nasa isa sa mga high-end restaurant sila sa BGC para sa pribadong dinner party na inorganisa ng kaibigan ng boss niya Sinamahan niya ito dahil alam niyang g
CHAPTER 7[JILLIAN] Pagod na naglakad si Jillian patungong bus station. Alas-kwatro pa lang kanina nang makabalik siya sa Chase & Co., galing sa terirtoryo ni Zacharias kaya naghabol siya mga kailangan gawin para hindi siya matambakan bukas. Pamilyar na busina ng kotse ni S
CHAPTER 6 Kahit paulit-ulit nang sinabi ni Jillian a sarili na huwag siyang papaapekto, ay parang sasabog pa rin ang dibd ib niya. Nanuyo ang kanyang lalamunan at uminit ang gilid ng kanyang mga mata. “G-Good day, Sir. I-I’m,” huminga siya ng malalim para payapai







